Mark Herras and Rhian Ramos are paired for the first time in "My Only Love"


Young stars Mark Herras and Rhian Ramos lead the cast of GMA-7's new Sine Novela, My Only Love. This is the first time that Mark and Rhian will be paired together.



Alas-singko kahapon, October 15, ay nag-story conference na ang bagong Sine Novela ng GMA-7, ang My Only Love. Ito ang magiging kapalit ng Kung Mahawi Man Ang Ulap nina Dennis Trillo and Nadine Samonte sa na magtatapos mid-November dahil na-extend ito ng dalawang linggo.

Ang My Only Love ang ikatlong pelikulang ginawa nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, and the loveteam's second movie for Viva Films dahil Sining Silangan ang nag-produce ng unang pelikula nila na Dear Heart. Ito rin ang unang pelikula ng reel and real life loveteam na may ka-triangle sila, na ginampanan ni Jackielou Blanco.

To play the Gabby and Sharon role for the TV remake are Mark Herras and Rhian Ramos. Si Bianca King ang gaganap sa papel na unang ginawa ni Jackielou sa pelikula.

Ito ang kauna-unahang afternoon soap ni Rhian na, na dalawang primetime soaps ang unang nilabasan, both paired with Richard Gutierrez, ang Captain Barbell at Lupin. Si Mark kasi ay nakasama na noon sa Princess Charming.

Ang My Only Love din ang magluluklok kay Bianca sa leading-lady status. She is currently seen in the primetime soap Marimar bilang si Natalia, ang nagpanggap na anak ni Gustavo (Jestoni Alarcon).

Makakasama nila as lead sa soap version si Alfred Vargas as a new character not included in the original movie.

Also in the cast are Rita Avila reprising the Amalia Fuentes role in the movie, Sherilyn Reyes, Lloyd Samartino, and Gladys Reyes. This is to be directed by Louie Ignacio.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN