John Lapus explains poking fun at Direk Joyce Bernal during concert


"Joyce [Bernal] isa friend. We have the same sense ofhumor. She will never be offended by myjokes," clarifies John Lapus.


Una nang nilinaw ng komedyante na si John Lapus na birolamang ang kanyang binitawang mga salita kay Direk Joyce Bernal noong Sabado,October 13, sa Aliw Theater.

Sa blog ni John,naikuwento niya na habang nagpe-perform sa Simply Irresistible concert niMark Bautista, nasabi niya sa isa sa mga manonood na si Joyce Bernal, "DirekJoyce, ang pangit niyo pala sa personal, pero maganda po kayo sa TV."

Ngunit agad naman niyang ipinaliwanag na magkaibigan namansila ng direktor kung kaya't walang dapat ikabahala tungkol sa kanyang biro.

Gayunman, hindi ito nagustuhan ng ilangshowbiz writers na nanood ng naturang concert. Sa column ni Vinia Vivar sa People's Journal Tonight ngayon,October 16, nasabi ng kolumnista na naiintindihan niya na isang biro lamang itopara sa isang katulad ni John na sanay mag-show sa mga comedy bar.

Subalit mayroon diumanong nakapagsabi sa kolumnista na sanaay inilalagay ni John sa lugar ang kanyang mga biro.

Dagdag pa diumano ng nakausap ng kolumnista, "Concert iyon,hindi show sa comedy bar, kaya parang off naman kung doon siya mang-ookray,aside from the fact na isang respetadong direktora si Bb. Joyce."

Upang muling linawin ang isyu, hiningan ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) ng pahayag si John ukol dito. Sa pamamagitan ng text message muling nilinaw ni John, "Joyce isa friend. We have the same sense ofhumor. She will never be offended by myjokes. It's a joke to begin with. Joyce was laughing all the way.

It's sad that Vinia had a wrong opinion. I saw Vinia this afternoon and I explainedthis. Babawi daw siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN