Rufa Mae Quinto inspired to produce more movies after box-office hit "Apat Dapat, Dapat Apat"


"Ang sarap ng feeling bilang artista at producer. Kaya gusto ko nang ituloy ito, bale ito ang sarili kong business," says actress-producer Rufa Mae Quinto about the success of her first venture as a movie producer.


Nagpaalam muna sa shooting ng Pasukob ng OctoArts Films si Rufa Mae Quinto para sa victory lunch na ibinigay niya at ng Viva Films dahil sa success ng co-production venture nila, ang Apat Dapat, Dapat Apat na nagtatampok sa kanila nina Eugene Domingo, Pokwang, at Candy Pangilinan. Ginanap ang victory party sa Ortigas Bazaar Center, Pasig City, kahapon, October 16.

Na-inspire ba si Rufa Mae sa success ng movie para mag-produce muli?


"Opo," sagot ni Rufa Mae sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Ang sarap ng feeling bilang artista at producer. Kaya gusto ko nang ituloy ito, bale ito ang sarili kong business. Kasi yung ibang business ko, like yung travel agency ko, yung brother ko ang nagma-manage noon. Yung iba pa, may sarili nang nagma-manage noon, ito na lang ang sa akin.

"Itutuloy ko pa rin ang pagko-co-produce ko sa Viva. Pero nag-usap na kami ni Direk Wenn, may story na siya na puwede kong i-produce nang solo. Baka po next year na ‘yon kasi tinatapos pa namin ni Ai-Ai ang Pasukob at magsisimula na rin kaming mag-shooting ng Working Girls '08 for Viva Films."

May nag-suggest kay Rufa Mae na since may travel agency siya, bakit hindi siya gumawa ng movie sa iba't ibang lugar abroad. Maganda raw ang suggestion, ani Rufa Mae, pag-aaralan daw niya.

Isa pa lang ang ginagawa niyang movie this year, pero wala pa rin daw gaanong pahinga si Rufa Mae.

"Hindi rin po. Sa ngayon po kasi, lima na ang TV shows ko [sa GMA-7]," sambit niya.

Binanggit ni Rufa Mae ang mga shows niyang Bubble Gang, Showbiz Central, Whammy Push Your Luck, SOP, at Marimar kung saan siya ang voice-over para sa asong si Fifi.

ERIK SANTOS. Sa Friday, October 19, ay gaganapin ang concert ng ex-boyfriend ni Rufa Mae na si Erik Santos—Erik Santos...Solo at the Coliseum 2007. Ang wish daw ni Erik ay makita niyang nakaupo sa front row ng orchestra si Rufa Mae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Manonood ba siya ng concert ni Erik?

"Yes. Kung gusto niya, sa tabi pa ako ng stage at payag akong maging water girl niya," seryosong sagot ni Rufa Mae.

"Susuportahan ko siya talaga, sinuportahan nga niya ako dito sa movie namin nang mag-attend siya ng celebrity premiere night, kahit alam kong very busy siya. Tumuloy siya sa dinner namin, pero hindi siya nagtagal. Naintindihan ko siya dahil bago lahat ang mga songs na kakantahin niya sa concert, kaya kailangang pag-aralan niya. Kaya nga hindi ko siya iniistorbo."

May nagsasabing ginagamit lang ni Erik si Rufa Mae at si Billy Crawford para pag-usapan ang kanyang concert, at nagseselos din daw siya kay Billy. May dapat bang ipagselos talaga si Erik?

"Wala po," sagot ni Rufa Mae. "Nag-meet nga sila nang personal noong celebrity premiere night, hanggang doon sa dinner. Hindi ako naniniwala na ginagamit kami ni Erik. Kasi po, kung mayroon lang siyang choice, siguro ang gusto niyang itanong sa kanya, kung ano ba ang aasahan sa concert niya, hindi ang tungkol sa akin at kay Billy. Hindi naman puwedeng hindi niya sagutin ang mga itinatanong sa kanya."

May issue na ibinibenta na ni Erik sa kanya ang lote nila sa West Grove sa Sta. Rosa, Laguna. Ano ang masasabi ni Rufa Mae rito?

"Noong nag-break kasi kami, sabi ko sa kanya, ibenta na niya sa akin 'yong lote niya. Magkatabi kasi kami ng lote ni Erik, bale tig-500 square meters kami. Nang mabili namin ‘yon, worth ten-thousand pesos lang per square meter, pero ngayon daw, P12,000 na. Noong una, parang gusto na niyang ibenta sa akin, pero ngayon daw, ayaw na niya. Itutuloy na raw niya ang paghuhulog nito sa bangko," kuwento ng sexy comedienne.

May pag-asa pa ba silang magkabalikan ni Erik?

"Sana po," asam niya. "Hanggang ngayon, wala pa naman siyang kapalit sa puso ko. Pero mga bata pa naman kami, kaya mas mabuting gawin na muna namin ang gusto namin, dahil pareho kaming busy sa aming mga career. Saka mag-uusap pa po kami after his concert. Nagpi-pray po akong maging very successful ang concert niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN