Wendy Valdez reinvents pasaway image, grateful for criticisms


"Nagpapasalamat po ako at kahit paano, nawawala na po yung tatak kongpasaway. Hindi ko naman po sila sinisisi or what, totoo naman po yatangparang lumampas ako. Sana lang po naintindihan naman nila ako kungbakit naging gano'n na lang ang image ko," says Wendy Valdez.


Ibang-ibang Wendy Valdez ang nakaharap ng ilang entertainment press sa pagdalo niya sa Movie Writers On The Loose, The Repeat ng Philippine Movie Press Club (PMPC) noong October 13 sa Zirkoh Timog. Kapansin-pansin ang laging pagngiti ni Wendy sa lahat ng mga taong nasa sa backstage ng naturang comedy bar.

Matatandaang umani ng maraming negatibong komento si Wendy noong nasa loob pa siya ng Pinoy Big Brother dahil sa kanyang pagiging prangka. Hanggang sa paglabas niya ay natatakan bilang pasaway si Wendy.

Pero ngayon, tila unti-unti nang umaaliwalas ang kanyang paligid at tanggap na si Wendy bilang amiable new star.

"Nagpapasalamat po ako at kahit paano, nawawala na po yung tatak kong pasaway. Hindi ko naman po sila sinisisi or what, totoo naman po yatang parang lumampas ako. Sana lang po naintindihan naman nila ako kung bakit naging gano'n na lang ang image ko.

"Sana po ngayong nagbabago na ang pagtingin nila sa akin, makita naman nila kung bakit ganoon ang mga reaction ko noon. At sana rin po, matapos na yung panghuhusgang ginawa nila sa akin," pakiusap ni Wendy nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sinabi rin ni Wendy na malaki rin naman ang naitulong ng mga negatibong komento sa kanya upang siya mismo ay magbago na.

"Hindi naman po sa tinatanggap kong tama sila noon," paglilinaw niya. "Pero sa akin, nakatulong ‘yon para ma-realize kong hindi pala ako dapat na magpakita ng mga kailangan ko nang itago. Kung meron akong mga problema, dapat pala, sa akin lang ‘yon. Kagaya ng problema ko sa pamilya, dapat pala ay sa amin lang 'yon ng pamilya ko. Sa anuman po, nagpapasalamat pa rin ako at nang dahil sa mga ipinakita kong negatibo, nakilala naman nila ang tunay kong pagkatao.

"Ngayong nakikita ko namang gumaganda na ang pagtingin nila sa akin, parang isa po yung pagsasabing tanggap na nila kahit na pasaway ako. As for me, pananatilihin ko na itong maganda nilang pag-unawa sa akin at nangangakong I will live up to their expectations," pangako pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon daw, maraming magandang bagay na nangyayari sa personal na buhay at sa career niya.

"Utang ko po ito sa lahat. Maraming salamat po sa pagsuporta ninyo," pangwakas na pahayag ni Wendy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN