Comedy King Dolphy to share his life stories in forthcoming autobiography


"Gusto dati ni Daddy, parang yung kay Geny [Lopez] na parang coffeetable book [Remembering Kapitan]. But then we decided na this will bemore stories than pictures," says Eric Quizon about the planned autobiography of his father, Comedy King Dolphy (in photo).



Isusulat na ni Dolphy ang kanyang autobiography sa tulong ng kanyang mga anak, with Eric Quizon on top of the project.

"For the longest time, I've been telling my Dad that it's about time that he should do his biography. He's already eighty this year, he was born 1927," paunang kuwento ni Eric sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon na ibinigay ng Regal Films for Hide And Seek kagabi, October 16, sa Imperial Palace Suites, Quezon City.

Ang pamilya Quizon ang gagastos sa autobiography ni Dolphy, yet untitled at this point. Naghahanap na rin sila ng publisher. Balak nilang gawin ito in the standard U.S. format, magsisimula as a hardbound edition, and then magkakaroon ng trade paperback para marami ang makabasa.

"Gusto dati ni Daddy, parang yung kay Geny [Lopez] na parang coffeetable book [Remembering Kapitan]. But then we decided na this will be more stories than pictures," lahad ni Eric, who asked screenwriter and actress Bibeth Orteza to write the book.

Maganda ang magiging title ng bawa't chapter ng libro, although not allowed pa kaming isulat ito. Basta the first and last chapter title will feature "Manila."

"Sa Manila talaga kasi nagsimula ang kuwento ni Daddy, sa Tondo. Magtatapos ang kuwento sa Manila, then how it is now as compared to the Manila he grew up," ayon kay Eric.

Maraming anecdotes si Eric na makakasama sa libro at ang isa na doon, kung paano raw lakarin ni Dolphy and his father ang Tondo to Bulacan just to get rice during the pre-war era.

For this project, nakatakdang umalis si Eric papuntang U.S. this November 11 to interview six of his siblings

We asked Eric kung ilan ang anak ni Dolphy.

"Supposedly, eighteen kaming lahat," sagot niya sabay tawa sa comment namin na kung ganoon lang sila talaga karami.

"Kapag sinagot ko yan ng 'yes,' ibig bang sabihin na kami puwedeng manggulat?" tawa niya ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasabayan ng launching ng libro, magtatayo na rin ng foundation (still unnamed) ang Comedy King, .

"It will encompass palibing, paaral, medical," sabi ni Eric. "Kasi almost everyday may lumalapit kay Daddy nanghihingi ng pampaospital, educational assistance o yung mga namatayan."

Showbiz denizens muna raw ang makikinabang ng foundation sa umpisa.

"In the beginning, yes, pero later on it will spread sa ibang non-showbiz na nangangailangan din," paglilinaw ni Eric.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN