“She’s a Megastar already and yet she still compliments young artists.”
Parte ito ng pahayag ni Gabbi Garcia, 21, tungkol kay Sharon Cuneta, 54.
Noong March 13, nag-post si Gabbi sa Instagram ng ilang larawan mula sa isang dating magazine shoot.
Hindi akalain ng dalaga na isa sa mga magkokomento rito ay ang Megastar.
Papuri ni Sharon kay Gabbi: “I think you are one of the most beautiful [heart emoji]”
Nagpasalamat naman ang halatang kinikilig na si Gabbi, at binanggit pang kapapanood lang uli ng kanyang pamilya ng Caregiver, ang 2008 movie ni Sharon.
Bukod sa papuri, finollow rin ni Sharon si Gabbi sa Instagram.
GABBI: "IT'S SO SURREAL."
Eksklusibong na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabbi ngayong Biyernes, May 22.
Dito ay ibinahagi ng Kapuso star ang naramdaman nang magkomento at i-follow siya ni Sharon sa Instagram.
Sabi ni Gabbi, “It’s unbelievable, parang it’s so surreal.
"Hindi pa kasi kami nagmi-meet ni Megastar, ni Miss Sharon Cuneta.
"So, kinilig talaga ako when I saw that she is following me on Instagram.
"She commented pa."
Pag-amin ni Gabbi, hindi siya agad naniwala na ang actress/singer/host ang nagkomento.
“Tiningnan ko pa nga, ‘Poser ba ‘to?’ Is this a fan account?’
“Hindi pala talaga! As in account niya talaga.
"It was so surreal."
"Poser" ang tawag sa taong gumagamit ng false identity sa cyberworld.
Dagdag niya, “Nagulat talaga kami ng parents ko.
"Yung mom and daddy ko, kinilig talaga. They didn’t expect it also.
"Feeling nila, sila din na-comment-an!”
Muntik na raw niyang hindi makita ang comment ng Megastar.
Kuwento ni Gabbi, “May dalawang photos na naka-upload sa Instagram ko, parang hindi ko na siya tinitingnan masyado.
“Kaya ko lang nalaman na nag-comment si Miss Sharon, my manager sent it to me.
“Nag-Viber sa akin yung manager ko, tapos sabi niya, ‘Hey, look who commented?’ Tapos she sent me a screenshot.
Si Gabbi ay exclusive contract artist ng GMA Artist Center, ang talent management arm ng Kapuso network.
“Ako, parang, ‘Joke ba ‘to?' Ako talaga, chineck ko talaga.”
Diin ni Gabbi: “To be recognized by her is such a big thing for me.
"Nakaka-cheer up siya in this lockdown."
HAS YET TO MEET SHARON
Malaking bagay raw kay Gabbi na mabati ng isang tinitingalang artista.
“It’s inspiring, di ba, she’s a Megastar already, and yet she still compliments young artists.
“She still tries to reach out to new artists.
“Imagine, established na siya, tapos she still does that,” papuri ng young actress.
Sabi pa niya, “It’s so humbling, di ba?
"Parang Megastar, sino ba ako compared to her?
“Nakakakilig talaga. It’s like butterflies in my stomach.”
Bagamat hindi pa sila nagkakaharap ni Sharon, nakilala na ni Gabbi si Frankie Pangilinan, ang 19-anyos na panganay na anak nina Sharon at Senator Kiko Pangilinan.
“Si Frankie, I met na and nagkakasama kami sa ilang events, and we follow each other on Instagram.
“Sometimes we react to each other’s [Instagram] Stories, ganyan.
"So, through Frankie lang.”
Ang naaalala raw ni Gabbi noon ay kasama niyang nanonood ang mga magulang sa dating musical talk show ng Megastar sa ABS-CBN, ang Sharon (2006-2010).
“I was still in grade school siguro. I remember my parents watching Sharon, so nakikinood ako dun.
“I remember in one episode na ginuest niya yung anak niya, si KC, so 'yon yung mga ganoong moments.”
Si KC Concepcion ang anak ng Megastar sa dating mister na si Gabby Concepcion.
Bukod sa pagiging respetadong showbiz celebrity, saludo raw si Gabbi sa pagpapahalaga ni Sharon sa pamilya.
Base raw ito sa nakikita ni Gabbi sa social media posts ni Sharon.
“I can see them on Instagram, her family. I feel, like, they’re also family-oriented.
“I feel, like, Miss Sharon’s being a mother is such a big factor to her kids being family-oriented also.
"Family first before everything."
Umaasa raw si Gabbi na balang-araw ay mabigyan ng pagkakataong makasama sa pelikula ang Megastar.
“Pagpasok sa showbiz, you wanna work with established actors, like, talagang one of the timeless actors, timeless singers.
“Kahit anong mangyari, she’s Sharon Cuneta, so that’s my wish—to be able to make a movie with her sana.”
ENCANTADIA REVIVED
Labis din daw ang tuwa ni Gabbi ngayong may rerun ang telefantasyang Encantadia sa GMA Network.
Gumanap si Gabbi bilang si Alena, isa sa apat na sang’gre at tagapangalaga ng brilyante ng tubig.
Kuwento niya, “Nakakatuwa coz I did Encantadia when, I think, I was 17.
“This time, iba naman yung audience, yung mga nanonood.
"We have viewers from years ago, but we also have new viewers, mostly kids."
Malaking bagay raw para sa kanya ang replay ng programa dahil itinuturing niya itong “one of the most memorable projects to me.”
Pati raw co-stars niya ay ikinatuwa ang pagbabalik-telebisyon ng seryeng tumakbo mula July 2016 hanggang May 2017.
“Yung Viber group namin, buhay na buhay pa rin talaga.
"Naglolokohan nga kami, ‘Hindi ba pahiwatig na ito na dapat na tayong mag-season two?’"
Pagbabalik-tanaw pa ni Gabbi, “Ang tagal naming magkakasama and it’s such a big cast.
“Ang gulo-gulo namin lagi, ang daming memories.
"Merong bad memories, mga good memories, may happy memories.
"Kasi nga, para kaming pamilya.”
GABBI IN THE TIME OF QUARANTINE
Dahil isa enforced quarantine, tigil din ang mga projects ni Gabbi.
Nagdesisyon siyang maging naman aktibo sa social media para magkaroon pa rin ng ugnayan sa kanyang supporters.
“Last week, nag-usap kami ng management ko," kuwento ni Gabbi sa PEP.
“Since TV productions are on hold, matatagalan pa [bago mag-resume ang work].
“I’m busy now with online content with YouTube channel.
"I still want to be visible and to still entertain my followers."
Bukod dito, tumutulong din si Gabbi ngayong panahon ng krisis.
Kasama ang boyfriend na si Kahlil Ramos at mga kaibigan, isinusulong nila ang Pay It Forward PH, isang fundraising drive para matulungan ang frontliners.
Karamihan daw sa naabutan ng tulong ng kanilang charity efforts ay mga frontliners sa Parañaque, kung saan nakatira si Gabbi.
Pahayag ng aktres, itinuro sa kanya ng current health crisis ang maging selfless.
“This virus, this pandemic is not all about you, it’s people around you.
“You stay home, to try to protect your loved ones, not just yourself. And appreciate little things.
"Andito tayo sa bahay, kasama ang pamilya.”
Panawagan niya sa lahat “to be part of the solution.”
“Ito talaga yung time na dapat magtulung-tulong tayong lahat in your own little way.
“Di naman kailangan ng big gestures.
"Simply by staying home and, kung yung iba pagdadasal ang daan to help, that’s another way.
“Let’s do anything and everything to help each other,” pagtatapos ni Gabbi.
(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)