Lorna Tolentino shares recent trip to U.S. and Mexico


Lorna Tolentino and Rudy Fernandez went on an exciting trip, from watching the Pacquiao-Barrera fight in Las Vegas to praying at Our Lady of Guadalupe church in Mexico. On coming home recently, LT plunged back to work in the OFW movie Katas ng Saudi, produced by Jinggoy and Precy Estrada.



May pumutok na ugat sa kaliwang mata ni Lorna Tolentino dahil sa sobrang stress ng nakaraang biyahe nila ng asawang si Rudy Fernandez sa U.S. at sa Mexico. Mabuti na lamang at hindi na kinailangan ng surgery para rito. Nagriseta lang ang kanyang duktor ng eye drops na gagamitin ni Lorna ng sampu hanggang labing-apat na araw.



Agad-agad kasi ay sumabak sa trabaho si Lorna habang ang mister niyang si Daboy ay mayroon pang jetlag. Nagtungo agad sa Calamba, Laguna, si LT para sa taping ng Zaido ng GMA-7. Kahapon, October 17, pagkatapos ng ilang oras na tulog ay kinailangan niyang um-attend ng press conference para sa Katas ng Saudi, entry ng Maverick Films sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.



Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) para makapanayam si LT tungkol sa itinakbo ng trip nila ni Daboy.



Bago nagtungo ng Las Vegas, ilang araw muna silang nagpahinga sa Hawaii. Mula sa panonood ng boxing match nina Manny Pacquiao at Marco Antonio Barrera sa Las Vegas, nagtungo pa sila sa Anaheim, 'tapos sa San Diego. Mula rito, bumiyahe sila sa Mexico at bumalik sa Anaheim bago lumipad pabalik sa Pilipinas.



CHURCH IN MEXICO. Kuwento ni Lorna, "Aside from asking the next thing to do sa mga doktor na tumulong sa amin doon tungkol sa lagay ni Rudy, nagawa pa naming pumunta sa Mexico. Dumalaw kami sa Our Lady of Guadalupe Church. Deboto kasi ng Nuestra SeƱora dela Paz si Daboy, sa Redemptorist Church [Baclaran]. Maski noong kasagsagan ng chemotherapy at treatment kay Daboy, every Tuesday ng gabi, nagpupunta kami sa Baclaran. Walang palya 'yon.



"We heard about this church in Mexico from Mommy Rose Flaminiano. Nakapunta na siya doon. Sabi nga niya, ibang klaseng serenity ang naramdaman niya sa pagtungo doon. True enough, nang subukan naming magtungo doon, talagang nakapagdasal kaming mabuti, at tahimik talaga ang simbahang 'yon. Parang maliit na version siya ng Baclaran church.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Mayroon pa kaming ibang pinuntahang chapel, medyo malaki rin siya, at ang patron saint doon ay si St. Peregrine. Siya 'yung patron saint ng mga cancer victim, di ba? That was before we reached naman San Diego," sabi ng aktres.



DABOY'S CONDITION. Bakit hindi pa sila dumiretso na lang sa Vatican sa Italy?



Aniya, "Mas mahabang panahon na kasi kapag ganoon na kalayo, as in Vatican 'yon. Kung may isang buwan sana kaming puwedeng magbakasyon. Kaso, may commitments din kasi ako rito, and I have to go back to work.



"Isinabay-sabay na nga namin halos. Gusto naming manood ng laban ni Pacquiao, para makapagbakasyon na rin. Then, ask for medical opinion para sa susunod na gagawin ni Daboy.



"Matatapos na kasi ang third protocol ng prosesong dapat i-undergo ni Daboy para sa treatment. Gusto lang naming makatiyak, kaya nakipag-usap na kami sa mga doktor doon para sa susunod pa naming gagawin.



"Wala pa namang resulta yung check-up sa kanya. So far, maganda ang assurance, maayos ang lagay ni Daboy, pero mabuti na rin yung alam namin ang gagawin, at hindi kami titigil dahil lang sa kailangang mapahinga muna si Rudy sa gamutan," banggit pa ni LT.



KATAS NG SAUDI. Wala naman daw talagang ipinagbago sa health status ni Daboy. Hindi pa rin sila basta nakatitiyak na gumaling na talaga ang cancer ng action star, pero ginagawa na talaga nila ang lahat ng pag-iingat para hindi lumalala ang sitwasyon.



Sa gitna ng krisis sa buhay ng mag-asawang Rudy at Lorna, kaakibat naman nila ang mag-asawang Jinggoy Estrada at Precy, na siyang producers ng Katas ng Saudi. Kinumpirma ni LT na hindi siya tumanggap ng talent fee para sa paglabas niya bilang leading lady ng pelikulang ito.



"Sobra-sobra na kasi kung tutuusin ang naitulong sa amin nina Jinggoy at Precy," sabi ni LT. "Hindi naman ito pinag-uusapan among friends, pero ganoon talaga, kapag magkakaibigan, tulungan lang. Give and take.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Isa pa, maganda ang project. Sabi nga ng direktor naming si Joey Reyes, this is something significant, tungkol sa buhay ng mga OFWs [Overseas Filipino Workers], kaya tinanggap ko agad. I fell in love with it.



"All the more na hindi pera ang dahilan kung bakit tinanggap ko ang project, at hindi lang dahil sa friendship at pakikisama. Mismong project talaga na kakaiba para sa amin ni Jinggoy, something light and comic, na may puso," pagwawakas ni LT.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN