Jinggoy Estrada co-stars with son Julian for the first time in "Katas ng Saudi"


"Naramdaman ko kasi na gusto niyang sumali, at talagang may hilig.Bumagay naman sa kanya yung role, at gumaganap siya bilang anak ko rin,kaya hindi masyadong mahirap 'yon para sa kanya," says Jinggoy Estrada about son Julian (right), who makes his acting debut in Katas ng Saudi.



Muntik na palang hindi matuloy ang produksyon ng Katas ng Saudi ng Maverick Films. Associated ang kumpanyang ito sa pamilyang Estrada. Dahil sa init ng kontrobersyal na kaso noon ng dating pangulong Joseph Estrada, sobrang naging maingat si Erap sa pag-approve ng funding para sa pelikula.



Ayon kay Senator Jinggoy Estrada, kinailangan niyang tiyakin sa amang si Erap na makabuluhan ang pelikula at may tinatalakay na isyu. Si Jinggoy ang bida sa pelikula, katambal si Lorna Tolentino.



"Kumbinsido naman siya sa tema tungkol sa buhay ng OFWs, interesting para sa isang project, at kakaiba para sa akin, kaya pumayag na rin," nangingiting pahayag ng senador, na mukhang nagpapakaseryoso na rin bilang aktor.



Patuloy pa ni Jinggoy, "Disappointed lang siya dahil mas bagay raw na nagpapayat muna ako para sa role ko. Pero bumagay pa rin sa takbo ng istorya."



Sinabi rin ni Erap na ang huli niyang pelikula noong kasagsagan ng kanyang political career ay Sa mga Kuko ng Agila. Pinagtambalan ito nina Erap at dating sendador Nikki Coseteng.



"Idiniin niya na may katuturan ang pelikula, tumalakay sa isyu ng military bases sa Pilipinas. Ganoon din daw dapat ang gawin ko," lahad ni Jinggoy.



"Ayokong isipin na itong Katas ng Saudi na ang magiging huli kong pelikula. Pero sa panahon ngayon, prayoridad ko ang paglilingkod bilang senador.



"Ang masasabi ko lang, puwede kong talikuran ang pag-aartista kung kinakailangan para sa political career ko. Lalo kung magiging risky para sa pagiging senador ko ang pag-aartista, puwede ko itong i-give up.



"Pero hangga't pupuwede at magagawan ng paraan, magpapatuloy pa rin ako sa paggawa ng mga pelikula, lalo na yung makatuturan."

JINGGOY'S SON. Isa pang dahilan kung bakit natuloy ang pagsasapelikula ng Katas ng Saudi ay para raw sa anak nina Jinggoy at Precy na si Julian Estrada, na ipinakikilala sa pelikulang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi naman dahil lang sa kapritso," natatawang paglilinaw ni Jinggoy. "Naramdaman ko kasi na gusto niyang sumali, at talagang may hilig. Bumagay naman sa kanya yung role, at gumaganap siya bilang anak ko rin, kaya hindi masyadong mahirap 'yon para sa kanya.



"At saka totoong hindi siya humingi ng bayad o talent fee. Bumilib nga ako. Kung humingi siya, ibibigay ko. Pero okay na lang daw muna. Save the best for last.



"Masyado lang mahiyain si Julian. Sabi ko lang, kung mahilig siyang mag-artista, hindi siya dapat mahiyain o sensitive. Sinasanay na rin naming humarap sa mga tao.



"Kung ako talaga ang masusunod, hindi magtutuluy-tuloy si Julian sa pag-aartista. Ang gusto ko lang kasi, matapos na muna niya ang pag-aaral.



"'Pag nakaraos siya sa studies niya, walang problema 'yan kung gusto niyang ituloy mang pag-aartista. Sa palagay ko lang, kung magseseryoso siya sa pag-aartista, lalabas na mas mahusay siyang artista kaysa akin.



"Kung gusto rin niya ng politics, by all means, pasukin niya sa takdang panahon at kung handa na siya. Siyempre, magiging handa lang siya riyan kapag nakatapos siya ng pag-aaral," nangingiting paliwanag ni Jinggoy.



JINGGOY & LT. Kahit mag-asawa ang papel nina Jinggoy at Lorna Tolentino rito, hindi raw kailangang may tender moments pa ang dalawa. Ayon kay Direk Joey Reyes, hindi na raw 'yon kailangan dahil naka-focus ang istorya sa pamilya, kaya madali nang maintindihan ng mga manonood na mag-asawa nga sila.



"Mahirap ding basta lagyan ng love angle, di ba?" natatawang sabi ni Jinggoy. "Pangit pakinggan dahil magkakaibigan kami. Mahirap na bigyan kami ng kissing scene ni LT dahil 'pag ginawa naming 'yan, ang iniisip ko, ang hinahalikan ko ay si Rudy [Fernandez, Lorna's husband]!



"Gustung-gusto ni Precy 'yan. Wala siyang pinagseselosan. Hindi kami talo ni LT, e," hirit pa ni Jinggoy sa pagtatapos ng masayang interbyu namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN