Katrina Halili returns to "Marimar" after a short rest


"Nasa story talaga na kapag malapit na siyang [Marian] maging Bella aymagpo-focus talaga sa kanya, pero sandali lang naman ‘yon. Kasi bakama-miss nila ako, kaya next week ay nasa resort na uli ako," says Katrina Halili about the return of her character, Angelika, in Marimar.



Magbabalik na next week si Katrina Halili sa high-rating drama series ng GMA-7, ang Marimar. Pansamantalang nawala ang karakter niyang Angelika sa seryeng pinagbibidahan ni Marian Rivera dahil karamihan ng mga eksena ngayon ay nasa tahanan ni Don Gustavo (Jestoni Alarcon) at ang pansamantalang naging kontrabida ay si Bianca King.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Katrina sa live episode ng Kung Ako Ikaw kagabi, October 17, kung saan itinanghal siyang "Best Mag-iitik" at nag-uwi ng P100,000 cash kontra kina Jaycee Parker at Julia Lopez. Dito sinabi ng sexy actress na nagsimula na siyang mag-taping ulit kaya't magsasalpukan na naman sila ni Marimar.

Biro namin kay Katrina, naghasa ba siya ng sungay para mas lalong maging salot kay Marian?

"Yun po ang dapat abangan ng mga suki ng Marimar, kung ako ba ay mas lalong kaiinisan ng televiewers o baka naman bumait na ako. Basta kaabang-abang ang mapapanood nila," natatawang tugon ni Katrina.

Lately ay humataw nang husto ang rating ng naturang telenovela at umabot na ito ng 44 percent, kaya naman nagpahayag ng sobrang kagalakan dito si Katrina.

"Sobrang proud po ako!" bulalas niya. "Siyempre po kasama ako sa Marimar, kaya maraming salamat po sa lahat ng mga nanonood at sumusuporta sa amin. Sobrang thankful kaming lahat dahil naa-appreciate kami ng mga tao. Ang mga kasama namin dito ay sobrang magagaling kasi, siyempre pati ang aming mga direktor [Joyce Bernal and Mac Alejandre]. Ano kasi ‘yan, teamwork, e."

Palagay ba niya ay pasado naman ang grado niya bilang numero unong kontrabida ni Marimar?

"Sa palagay ko naman po ay effective ako dito," sagot ng sexy young actress. "Ayon kasi sa mga tao, marami ang nagagalit sa akin, e!"

"Kasi, marami na rin akong karakter na ginampanan as kontrabida, pero ito yung normal na tao talaga ako. Yung iba kasi puro magic—sa Majika, Darna, Atlantika—pero rito [Marimar]ay mano-mano talaga. I mean, yung mga awayan doon ay puro powers lang, kumpas lang ng kamay kumbaga. Pero dito sa Marimar, talagang nandiyan yung sabunutan, sampalan...namamaril pa ako at talagang mano-mano ang salpukan dito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Katrina, nasa istorya talaga ang panandaliang pagkawala ni Angelika. Kaya nagkaroon tuloy siya ng time na mag-guest sa Kung Ako Ikaw nina Keempee de Leon at Joey Marquez at lumabas sa Shake, Rattle & Roll 9 para sa episode na "Engkanto."



"Nasa story talaga na kapag malapit na siyang [Marian] maging Bella ay magpo-focus talaga sa kanya, pero sandali lang naman ‘yon. Kasi baka ma-miss nila ako, kaya next week ay nasa resort na uli ako," lahad ni Katrina.

Tungkol naman sa mga eksenang bugbugan at umbagan, kamakailan ay nagkaroon ng issue between Marian and Bianca sa sampalan scene nila. Sila ba ni Marian ay talagang nagkakasakitan din sa kanilang mga eksena?

"Sa amin ni Marian, hindi naman po nanagyayari ‘yon kahit na mayroon kaming matitinding sampalan talaga. Wala namang nangyayaring ganoon na nagkakasakitan talaga kami. Kahit na sa mga sabunutan scene namin, hindi naman kami nagkasakitan.

"Pero kung magkasakitan man, part kasi ng trabaho iyon, di ba? So, okay lang. Puwera lang kung sinasadya na, ibang usapan na siyempre kapag ganoon," paliwanag niya.

Pero for the sake sa lalo pang pagpapataas sa rating ng Marimar, game ba siya sa mas realistic na sakitan sa mga eksena nila?

"Oo naman po! Game ako sa ganyang mga eksena, basta hindi sinasadya. Pero kung intentional, tototohanin ko rin, bugbugan na talaga kami! Siyempre lalaban din ako. Magpapa-agrabyado ba naman si Angelika?" nakatawang pagtatapos ni Katrina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN