Paolo Contis supports Claudine's resentment against alledged "kisscandal" sower


"Umaawat lang naman kami, pero I think may point naman si Ate Clau, naiintindihan ko naman kung bakit niya nagawa ‘yon," explains Paolo Contis about Claudine Barretto's (inset) confrontation with the man who spread the "kisscandal" photos of her sister Gretchen and John Estrada.



Kinumpirma ng young actor na si Paolo Contis ang insidenteng naganap noong October 16 sa SM Hypermart sa Pasig City, kung saan kinumpronta ng aktres na si Claudine Barretto ang isang lalaking pinaniniwalaang nagkalat diumano ng controversial "kissing photos" ng kanyang Ate Gretchen at John Estrada.

Kasama raw si Paolo sa grupo ni Claudine at ng mister niyang si Raymart Santiago at iba pang malalapit na kaibigan nang maganap ang naturang insidente. Nasa likod lang daw ni Claudine sina Raymart at Paolo nang "pagsabihan" ng aktres ang lalaki.

Ayon kay Paolo, naiintindihan niya kung bakit nagawa ‘yon ni Claudine. "Umaawat lang naman kami, pero I think may point naman si Ate Clau, naiintindihan ko naman kung bakit niya nagawa ‘yon," sabi ni Paolo.

Pero nilinaw rin ng young actor na hindi naman nauwi ang kumprontasyon sa away. Nagpipigil raw kasi si Claudine dahil alam niyang nasa pampublikong lugar sila. Nakatulong din na ang lalaking kinumpronta ng aktres ay hindi naman nanlaban o sumagot man lang.

Bilang isang malapit na kaibigan ng aktres, may full support si Paolo kay Claudine.

"Basta nandun lang naman ako at kahit pa ano ‘yon, suportado ko si Ate Clau," pahayag ni Paolo. "I'm sure maraming bersyon ang lalabas dahil Claudine Barretto ‘yan, e, sikat ‘yan. Pero ang totoo talaga nun, wala namang away na nangyari. Kasi hindi naman talaga nakikipag-away si Ate Clau, pinagsasabihan lang niya. Yung lalaki naman nakatungo lang."

Samantala, nakita naman namin si Gretchen noong Wednesay, October 17, sa concert ni Josh Groban sa PICC. Magiliw namang humarap sa media ang aktres, pero hindi muna raw siya makakapagbigay ng komento sa nangyari hangga't hindi niya nakakausap si Claudine.

Nananatili pa ring tahimik ang kampo ni Claudine sa isyu. Maging ang kampo ng naturang lalaki ay hindi pa rin nariringgan ng pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN