Derek Ramsey acts as mentor to Joross Gamboa's painting hobby


"Itanong n'yo kay Joross, sumakit ang ulo niya! Nag-give-up talaga siya,mga dalawang painting. E, di ba, sa painting makikita mo ang emosyon ngtao? So, tinuruan ko siya ng iba't ibang techniques and how to blendthe color," narrates Derek Ramsey (left) about his painting sessions with his "student," Joross Gamboa (right).



Natatawang ikinuwento sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng sexy actor na si Derek Ramsey na, in a way, tila naging mentor siya ng young actor na si Joross Gamboa sa bagong hilig nito na painting. Nahihilig daw kasi ngayon ang young actor sa pagpe-paint, na napag-alaman namin na influence din ngnon-showbiz girlfriend nito who’s also into painting at ng mother niya namahusay rin sa pagpipinta.

Kuwento ni Derek, "Wow! ‘Yang si Joross, one time, nagpunta ‘yan sa bahay. Akala ko, magba-basketball kami. Bigla ko na lang nakita, meron siyang dalang mga gamit pang-painting. Kumpleto, may ilaw, lahat ng mga bago niyang brush, bago niyang paint. Meron na siyang sketch at magpapaturo kung paano raw mag-blend ng color.

"So, tinuruan ko siya! Nag-painting session kami. Sa painting session namin na ‘yon... Itanong n'yo kay Joross, sumakit ang ulo niya! Nag-give-up talaga siya, mga dalawang painting. E, di ba, sa painting makikita mo ang emosyon ng tao? So, tinuruan ko siya ng iba't ibang techniques and how to blend the color.

Dagdag pa niya, "Ngayon, nakaka-limang painting na raw siya at ang bilis na niyang mag-paint. Magaling na artist si Joross, nakikita ko. Pero sabi ko rin sa kanya, iba ang painting sa paper at sa canvass. Kasi meron pa siyang technical eraser. Kaya sabi ko, 'Hindi mo kailangan 'yan.'"

Aside from being sports-minded, Derek is also into painting. Pero wala rin daw siyang formal schooling sa painting niya.

"I paint but not regularly now because painting takes a lot of time," sabi ni Derek. "But, yeah, I enjoy painting. I love to paint. Pero hilig ko lang talaga siya. Hindi ko nga nilalagyan ng pangalan kapag nakakatapos ako ng painting. It just refreshes me."

Kasama si Derek sa soap opera na Ysabella na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN