Uma Khouny turns down offer to host his own radio show


Pinoy Big Brother Season 1 ex-housemate Uma Khouny has turned down an offer to host his own show in dzMM, which could have been patterned after DJ Mo Twister's controversial radio program.



Malungkot na ikinuwento ni Uma Khouny sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pagtanggi niya sa alok na magkaroon ng sarili niyang radio program sa dzMM.



Nanghinayang daw si Uma sa pagkakataon na matupad na ang isa sa mga pangarap niya ang makapag-host ng show. "Gusto ko kasi talaga mag-host. I really love it. Kaya nung inalok nila ako to have my own radio show, tuwang-tuwa ako," kuwento ni Uma sa surprise birthday party ng vice president's daughter at TV host nasi Katkat de Castro noong October 17 sa Cosmo Bar, Greenhills.

Bakit niya tinanggihan?



"Tatamaan kasi ang araw ng taping ko for Trip na Trip every Friday. Yung [radio] show kasi araw-araw, e. Hindi naman pumayag ang management na mag-leave ako ng Friday dahil yun daw ang importanteng araw sa radio, tuwing weekends," sabi ng Pinoy Big Brother ex-housemate.



Mala-Good Times daw ni DJ Mo Twister ang format ng show na inalok kay Uma. Magbibigay rin sana siya ng advice sa kanyang callers kaya hindi rin puwedeng i-tape ang show niya.



"Willing akong magbigay ng advice sa listeners ko. I can also ask them straight yung mga controversial questions," pagmamalaki ni Uma.



Pero hindi rin daw niya maiiwan ang Trip na Trip dahil sobrang napamahal na sa kanya ang show, pati na ang host at producer ng show na si Katkat.



And speaking of Katkat, present sa surprise birthday party na inahanda para sa kanya ng Bayan Productions staff ang kanyang ina, si Arlene de Castro. Si Uma at ang co-host nila sa Trip na Trip. Si Jayson Gainza ang kumanta ng birthday song for the celebrant habang papasok ng Cosmo Bar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN