PEP EXCLUSIVE: Jessa Zaragoza shares anecdotes about other Pinoy celebrities in U.S.


"May nag-suggest sa akin na kahit nasa U.S. na raw ako,para hindi ako nawawala sa balita, dapat palagi raw akong gumagawa ngintriga. Ay, umayaw ako! Sabi ko, kahit huwag na lang akong pag-usapan.Hindi ko na kaya ang intriga, masaya na ako sa buhay ko. Masaya na kamini Dingdong," says Jessa Zaragoza.



Kumustahan over coffee ang pagkikita namin ni Jessa Zaragoza last Thursday afternoon, October 18, sa Starbucks Tomas Morato, Quezon City. Dahil wala namang agenda, kung anu-ano ang napag-usapan namin at napunta sa kung kani-kanino. Hindi na namin namalayang mahigit isang oras na pala kaming nag-uusap.

Ikakasal ang kanyang dermatologist na si Dr. Guanzon on October 27. Nakapag-promise siya na sila ng mister niyang si Dingdong Avanzado ang kakanta sa wedding nito.

"Kaya nga lang, medyo busy si Dingdong ngayon, tapos may nararamdaman pa siya. Kahiyaan na lang kung hindi namin tutuparin ang promise namin kay Dr. Guanzon kasi last year niya pa ito sinabi sa amin kaya ako na lang nagpunta," sabi ni Jessa.

Dadalo lang sa kasal si Jessa on October 27, pagkatapos ay lilipad na sila ni Jayda kinabukasan pabalik sa U.S.

Tuesday night, October 16, nagkaroon ng unannounced concert si Jessa sa Mimosa Casino Filipino.

"May nakaalam lang na nandito ako kaya sinubukan akong tawagan kung puwede ako. Ang daming tao, nakakagulat nga kahit wala itong promotion. Saka ang mga tao, parang hindi lang ten years ago pa ang kantang "Bakit Pa." Ang taas ng energy nila, nakikikanta sa akin," masayang kuwento ni Jessa.

Mapapanood din si Jessa sa Showbiz Central this Sunday sa GMA-7 at sa Boy & Kris sa ABS-CBN next week.

LIFE IN THE STATES. Mahigit one year na sina Jessa at Dingdong na greencard holder. Apat na taon pa, magiging American citizens na sila.

"Sina Geneva [Cruz], nandoon na rin alam mo ba? Pati si KC [Montero]," pagbabalita niya.

Medyo nagtaka kami sa balitang ito dahil ang alam nga namin, nasa SOP pa si KC.

"Wala, nandoon na sila. Si KC umuwi lang ng five days para kumuha ng mga gamit," paglilinaw ni Jessa.

Nandoon na rin daw ang singer na si Marco Sison.

Kung sakali raw na gumanda ulit ang realty business sa U.S., nagbabalak si Jessa na mag-produce ng isang show kung saan magkakasama sila ng mga U.S.-based Filipino singers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May isang dating artista rin daw ang nagbabalak na makagawa ng isang pelikula, starring ang mga artista na nasa U.S. na.

"You know Dandin [Ranillo, brother of Mat Ranillo III]? Ang yaman na nila. Gusto niya ngang gumawa ng movie or TV movie, kaya lang hindi niya alam kung paano ito mari-release sa atin.

"Yung kay Nora na Home Care, nai-release daw dito, tapos nasa TV na raw, sa QTV yata. Gusto niyang [Dandin] malaman kung paano, kasi gusto niya ring mag-produce," kuwento ni Jessa.

Nurse daw si Dandin Ranillo sa U.S.


"Ay, mayayaman ang mga Pinoy nurses sa U.S.! Kapag nakakita ka ng Benz or BMW, asahan mo mga Pinoy nurses ‘yan. Ang laki kasi ng kita nila doon at in demand talaga ang mga Pinoy nurses natin. I don't know kung magkano ang minimum daily wage sa U.S., parang eighty dollars per hour yata. Ang mga nurses, eighty dollars per hour!" bulalas niya.

Maganda raw talaga ang katayuan ng mga Pinoy nurses sa U.S. at napakaganda rin ng medical services doon, pero hamak na mas mahal kumpara sa atin.

"Early this year, ginising ako ni Dingdong, masakit daw ang dibdib niya. Nag-panic ako kaya dapat tatawag ako ng 911. Sabi ng pinsan niya, huwag daw, sila na lang daw ang magdadala kay Dingdong sa hospital. Kasi may bayad pala ang ambulance na darating na tinawagan ng 911. Akala natin kapag nanonood tayo ng mga pelikula na may 911, ganoon lang 'yon, libre lang 'yon.

"It turns out, heartburn lang pala. Pero pagdating ng bills, kahit may medical insurance na kami, ang share pa rin namin more than eighteen hundred dollars. Ang maganda naman doon, puwedeng hulugan," lahad pa ng singer-actress.

NORA AUNOR. Going back, nakalipat na rin sila sa mas malaking lugar sa Napa Valley. Although near their original place sa Vallejo, mas nasa border na raw ito ng Napa Valley. Ang malapit sa kanya ngayon, kung saan nag-i-stay ang Superstar na si Nora Aunor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa Hercules siya ngayon, malapit lang sa amin," sabi ni Jessa.

Sa U.S., ang "malapit" ay half-hour to one-hour drive away dahil tuluy-tuloy naman daw kasi ang takbo ng sasakyan sa highway at walang traffic. Ito ang nami-miss ni Jessa sa Pilipinas, natatawa niyang sabi—ang traffic.

Ayaw magkuwento ni Jessa sa mga naririnig niya about the Superstar dahil hindi rin naman siya sigurado. Balita kasing sa mga fans na nga lang daw nakikituloy si Nora.

Dahil nasa realty business na rin si Dingdong, naitanong namin kay Jessa kung nagkita na ba sila ni Gabby Concepcion.

"You know what, sa isang Filipino restaurant na kinakainan namin ni Dingdong, nagpaiwan ng calling card si Gabby kay Dingdong para tawagan siya. I'm sure nag-usap na sila kasi that was the day before umalis ako," salaysay ni Jessa.

Nagkausap na rin sila ng kaibigan niyang si Ara Mina?

"Nakakaawa ang kumare ko... Ito ang talk of the town sa U.S. bago ako umalis, yung issue sa kanila ni [Manny] Pacquiao," sabi niya.

"'Tapos eto na, may nag-suggest sa akin na kahit nasa U.S. na raw ako, para hindi ako nawawala sa balita, dapat palagi raw akong gumagawa ng intriga. Ay, umayaw ako! Sabi ko, kahit huwag na lang akong pag-usapan. Hindi ko na kaya ang intriga, masaya na ako sa buhay ko. Masaya na kami ni Dingdong," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN