PEP EXCLUSIVE: Ara Mina on rumored transfer to ABS-CBN: "Wala namang offer sa akin."


"Noon ko pa rin naman sinasabi sa kanila [GMA-7 management] nakailangan ko rin ng trabaho. Hindi naman ako humihingi ng bida role.Kung talagang kailangan kontrabida, sige, pero sana naman markado.Parang every other year lang ako nagkakaroon ng soap," says Ara Mina about her lack of assignments in GMA-7.



Si Ara Mina ang pinangalanan sa isang blind item tungkol sa isang Kapuso star na lilipat din daw sa ABS-CBN.

Sa pamamagitan ng text message ay tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ara kung totoong nakipag-meeting na siya sa ABS-CBN executives last October 18.

"Ha? Yesterday nasa house lang ako then kumanta ako sa Hataw [isang tabloid] anniversary," sagot ni Ara sa amin via text din.

Nagpahabol kami kung totoong lilipat na siya sa ABS-CBN at kung paano ang kanyang gag show na Bubble Gang. Tumawag na sa amin si Ara para sagutin lahat ito.

"May Bubble Gang nga ako, may kontrata ako for the show. Paano ako lilipat?" sabi niya.

"Kasi nakikita ako sa ABS ngayon. May Wowowee ako bukas [October 20], ‘tapos may taping pa ako sa show ni Aga [Muhlach, That's My Doc!]. Pero lahat ‘yan, ipinagpaalam ko lahat ‘yan kay Tita Avin [Arayata, GMA-7 executive], may blessings ‘yan.

"Kaya lang, alam mo na kapag nakita ka sa kabila, iisipin agad lumilipat ka na. ‘Tapos katulad nung kay Willie [Revillame], nagpapatawa na pinakabagong ‘Kapamilya.' Ngumingiti lang ako. Dati pa naman akong nagge-guest sa ABS at palaging may paalam.

"Basta hindi sasagasa sa Bubble Gang, pinapayagan nila ako. Alam naman ng GMA ang kaso ko, I need work din naman.

"Ang dami namang soap ng GMA, bakit hindi ako nakakasama? Sabi ko sa kanila, drama ang forte ko. Mayroon namang Impostora, La Vendetta... puwede rin naman ako roon," sabi ni Ara.

LACK OF WORK. Hindi rin itinanggi ni Ara na may sama pa rin siya ng loob sa GMA-7 regarding the Manny Pacquiao issue at nakadagdag na nga ito sa kawalan niya ng trabaho, maliban sa Bubble Gang.

"Yung kay Pacquiao, tapos na ‘yon," sabi niya. "Feeling ko lang talaga noon, parang nagmukhang kawawa naman ako na ako nang ako ang nag-e-explain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noon ko pa rin naman sinasabi sa kanila [GMA-7 management] na kailangan ko rin ng trabaho. Hindi naman ako humihingi ng bida role. Kung talagang kailangan kontrabida, sige, pero sana naman markado. Parang every other year lang ako nagkakaroon ng soap," hinaing ni Ara.

Unang primetime soap ni Ara sa GMA-7 ang Kung Mawawala Ka. Sinundan ito ng Mulawin two years later. Ang last niya ay Lupin.

Sa ngayon, may inu-offer sa kanyang isang primetime soap, pero nagdadalawang-isip pa siya. Off the record ang naging usapan namin sa parteng ito regarding the role she is being offered. Ang isinagot na lang daw ni Ara, pag-uusapan nila ito ng kanyang manager, si Dondon Monteverde.

Dagdag pa rito, halos si Ara na rin daw ang nakikipag-deal sa para sarili niya regarding her career.

"Alam mo naman si Dondon, bising-busy, anim ang kumpanyang pinapatakbo. Minsan naghihintay na ang mga projects na para sa akin para balikan niya, kaya ako na minsan ang sumasagot. Minsan ako na ang nakikipag-usap," sabi ng aktres.

Binalikan namin si Ara sa tanong na kung lilipat ba siya o hindi.

"Wala namang offer ang ABS sa akin," straight to the point na sagot ni Ara.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN