"Philippine Idol" finalist Jan Nieto is now part of Kapuso network


This Management Engineering graduate left the corporate world to pursue his passion—singing. With his talent and charm, Jan Nieto is sure to receive a warm welcome from the showbizlandia.


Isa nangganap na Kapuso si Jan Nieto, one of the top three finalistsng kauna-unahang Philippine Idol. Dalawang linggo nasiyang napapanood sa afternoon variety show ng GMA-7 na S.O.P. at mukhang magigingregular na ang paglabas niya.

"Happy talaga ako, kasi, ang Philippine Idol,nasa GMA-7 na, and I'm here na rin. Although, maynegotiations pa para pumirma ako ng exclusive contractsa kanila, at least, 'yung deal nila with my manager [Sandra Chavez] is okay.

"Kasama ko sa management niSandra si Gian Magdangal,kaya kampante ako. Magkasama na nga kami sa show. Iba yung feeling na nasa isang malaking network ka, atsana, alagaan din lang nila ako nang gaya roon sa ibangtalents nila," sabi pa ng simpatikong PhilippineIdol runner-up.

Marami ang nagsasabing baka may panghihinayangkay Jan, na kung sana'y nasa GMA-7 na agad ang Philippine Idol noon, baka nga nagtuluy-tuloy angpagsikat niya.

"Hindi ko iniisip na ganoon.Malaking networkang GMA-7 kung ikukumpara sa ABC-5, at alam kong masmaganda sana ang itinakbo ng career ko sa simula palang kung GMA-7 na agad ang nag-alaga sa akin.

"Pero, nang mag-audition ako,alam kong ABC-5 na.Kung mas malaking network siguro, baka hindi rin akonag-audition. Kasi, ayoko rin yung parang biglangnapakalaki na agad na napapanood na ng napakarami.

"Feeling ko lang, hindi akomaglalakas ng loob kungnasa bigger network like GMA-7 ang PhilippineIdol during that time," sunud-sunod na ipinahayagni Jan Nieto.

In terms of visibility andexposure, nakalalamangsiguro kung sa Siete na agad nagsimula si Jan. Pero, sa nangyayari sa career niya, magiging magkasabay ang paglulunsad sa kanya bilang Kapuso artist at ang pag-ere ng Philippine Idol.

"Noon kasi, sabay halos yungauditions sa PinoyDream Academy at Philippine Idol, pero fan ako ng American Idol kasi. Yun ang pinapanood ko at doonko gustong sumali if given the chance.

"Kaya hindi ko na naisip na sa PDA ako mag-auditiondahil mas malaki ang ABS-CBN," sabi pa ni Jan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

No regrets kay Jan na iniwan niyaang kanyanghigh-paying job sa Unilever noon para makipagsapalaran at tuparin ang pangarap niyang maging singer.

"Worth it talaga kasi hiligko ang pagkanta," aniya pa. Mababalikan ko rin siguro yungtrabaho kung hindi ako pinalad na maging finalist sa Idol. Pagkatapos ng contest,maraming lumapit sa akin,gusto raw nila akong i-manage. Kaso lang, may kasunduanbetween Freemantle and Sandra Chavez, na si Sandraang dapat humawak sa lahat ng finalists ng PI,even a year more after the contest."

And so far, so good. Unti-unti ay nangyayari ang kanyang mga plano. "Natutuwa naman ako sapamamalakad ng managerko sa career ko. Heto nga, nasa GMA-7 na ako kayawalang magiging problema sa agreement namin ni Sandra.Masaya ako sa nangyayari sa career ko, lalo ngayonglumalabas na ako sa Kapuso network.

"Nakalabas na rin ako sa ibangshows ng GMA-7like All Star K, na nag-e-enjoy ako," banggit pa niya.

No nonsense celebrity itong siJan, who finished ManagementEngineering sa Ateneo de Manila University. Ang kanyang tinapos ay isa raw ito sa mahihirap na kurso sa Ateneo.

"At least nga, nakatapos akong pag-aaral, atngayon, napu-pursue ko pa ang pagiging singer. While I'mwaiting for the accomplishment of my debut albumunder Sony BMG, optimistic ako sa exposures na ibinibigayng GMA-7.

"Masarap sa pakiramdam.Ngayon ko talaga nararamdaman yung effect ng pagkapanalo sa isang prestigiouscontest," pagwawakas ni Jan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN