Lolit Solis to Sam and Piolo: "Any time they want to talk to me, okay."


Talent manager-TV host Lolit Solis has defended herself in the Piolo-Sam brouhaha by saying that she simply stated what she saw at theHotel Sofitel. In her phone-patch interview with Showbiz Central, she said,"Walanaman akong masamang motibo, wala akong against kay Piolo at kay Sam paramagbalita ng mali. Wala akong masamangsinabi."



"Bakit, ano ba ang mga nasulat ko? May sinabi ba akong masamadoon sa article?" bungad na pahayag ng talent manager-TV host na si Lolit Solis sa phone-patch interview niya sa ShowbizCentral kahapon, October 21. Tinanong siya ng GMA-7 Sunday showbiz talk show tungkol sa balak na pagsasampa ng kaso ng kampo ni Sam Milby laban sa kanya.

Ang bantang pagsasampa ng kaso ni Sam kay Lolit ay bunga ng isinulat ng huli sa kanyang column sa Pilipino Star Ngayon noong October 15. Ayon kay Lolit, nakita niyasi Sam at si Piolo Pascual na magkasama sa isang coffee shop sa Hotel Sofitel noong October 12.

"Ang isinulat ko lang, nakita ko silang nabubulungan atnagmemeryenda doon sa Sofitel Hotel. Wala akong isinulat na iba," depensa ni Lolit.

Ayon pa kay Lolit, wala naman daw siyang motibo upang magsulatng masama laban kina Piolo at Sam. Aniya, "Alam mo, actually nga, ang feeling ko dito sa isyu na ito, akopa ang nagamit, e. Kasi wala namanakong masamang motibo, wala akong against kay Piolo at kay Sam para magbalitang mali. Ang sinabi ko lang, nakita kosilang nagko-coffee, nagbubulungan doon sa coffee shop. So wala akong masamang sinabi. Bakit sila nag-react nang ganoon?"

Ilang araw makalipas lumabas ang nasabing artikulo, nagbigayng pahayag ang Timex, pati na ang pamunuan ng Hotel Sofitel, sa PEP (Philippine Entertainment Portal) upang pabulaanan ang nasabing insidente. Maging ang kampo ni Sam, sa pamamagitan ng manager nitong si Erick Raymundo, ay nagbigay na rin ng pahayag na taliwas sa kuwento ni Lolit.

Ayon sa Timex, kasalukuyan daw nagpi-pictorial si Piolo sa studio ng sikat na photographer na si Raymund Isaac sa oras na sinabi ni Lolit na nakita niya sina Piolo at Sam sa Hotel Sofitel. Maging ang receptionist ng Hotel Sofitel na naka-duty noong araw na 'yon ay nagsabi sa PEP na hindi nagpunta ng oras na 'yon ang dalawang matinee idols.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, sinabi naman ni Erick na nasa Essensuals Toni and Guy si Sam noong oras na 'yon, kaya imposibleng nasa naturang hotel ang Fil-Am singer-actor.

"Yun nga ang sinasabi ko, nagkaroon na ng roll call niyan,e. Yung loyalty check, di ba?" reaksiyon ni Lolit. "Lahat na ng Piolo nagsasalita, lahat na kinukuha nilangwitness. Ako, wala akong kinukuhangwitness, ang sarili ko lang. I mean,nakataya dito ang kredibilidad ko."

Dagdag pa ng kolumnista, "Kung sino ang gustong paniwalaanng tao, yun ang paniwalaan nila. Kungmaniniwala sila sa akin, salamat. Kunghindi, okay. Wala naman talaga akongmotibo sa pagsasabi nito, e."

Napansin din ni Lolit ang pagiging defensive ng kampo ngdalawang aktor ukol sa isyu, gayong wala naman daw masama sa dalawang lalaki na nag-uusap at kumakain nang sabay sa isang lugar.

Ani Lolit, "Ang nagtataka ako, doon sa defensive na reaksyonnila. Ang dami-daming nagde-deny, angdami-daming ano... Actually nga,napakaraming fans ni Piolo, napakaraming fans ni Sam na galit na galit sa akinngayon, di ba? Pero wala akong idinagdagdoon sa nakita ko. Wala akong sinabingnakita ko silang naglalampungan. Actually, yun lang ang nilagay na headline ng editor ko [sa Pilipino Star Ngayon], pero wala 'yon saloob ng article."

Ipinagtataka din diumano ni Lolit kung bakit lumaki pa angisyu nang ganito. Aniya, "Kasi talagangdoon sa haba ng itinakbo ng istoryang ito, ako na ang nagtaka. Nagtataka na ako kung bakit lumaki nangganito. Parang major event na talaga,di ba? Parang lahat na lang, ‘Wow,chuchu, ganito-ganito. Hindi totoo'yan, heto si ganito makakapagpatunay.' Para bang ano ba ang dapat patunayan, di ba?"

Nang tanungin kung bakit sa palagay niya ay defensive angnaging sagot ng kampo nina Sam at Piolo, sinagot ni Lolit na, "Ewan ko, bakasiguro... Hindi natin alam, di ba, matagal nang kumakalat yung kung anu-anongtsismis. Baka naman akala nilapinandagdag ko pa 'yon sa tsismis, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayoko naman isipin na another case ito ng isang RustomPadilla, na baka later may magka-come out, di ba? Ayaw ko nga mag-isip ng kung anu-ano, e. Kaya nga nagtaka ako kung bakit ganun nalang ang depensa. Kasi ano talaga,halimbawa, magiging isang Rustom Padilla ang isa sa dalawang lalaking nakitako, okay, di ba? Wala namang masama."

Samantala, sa kabila ng mga pangyayaring ito, inamin niLolit na handa naman siyang makipag-usap sa dalawang aktor.

Paliwanag niya, "Actually, sabiko hindi ko sila kilala, hindi nila ako kilala, kaya ano ang magiging motibo kopara sabihin ko ang mga bagay na ito? At wala naman ako mapapala, hindi naman ako magkakapera dito.

"Kaya nga any time they want to talk to me, okay. Kung sabihin nilang wala sila doon, hindisila ang nakita ko, okay, maniniwala ako. Kung gusto pa nga nila i-deny ko na, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN