Proud father Dennis Trillo excited to hold son in his arms


"May mga bagay na excited ako, gaya kung ano ang mararamdaman kokung mahahawakan ko na siya, o makakalong... Gusto kong ma-experience ang ganoong mga bagay para maramdaman konang husto ang pagiging tatay ko," says Dennis Trillo about being a father.



Nakahihinga na nang maluwag ngayon si Dennis Trillo pagkatapos ng mga isyung ibinanat sa kanya ng media dahil sa panganganak ng dating beauty queen na si Carlene Aguilar sa Amerika at ang pagkakalantad na ang matinee idol nga ang ama ng bata. The truth has set Dennis free, 'ika nga.

Nang matiyempuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dennis sa dressing room ng GMA-7 habang naghihintay ang aktor na maisalang sa hosting chore niya sa SOP kahapon, October 21, naipahayag niya sa amin na may peace of mind na siya sa ngayon.



Ayon kay Dennis, "Wala namang masyadong nagbago sa akin. Aminado akong hindi ako naging handa sa mangyayari kung sakaling malaman na nga ng publiko ang tungkol doon.



"Maraming nasabi ang ibang tao at marami rin ang dumipensa. Ang mahalaga sa akin, yung nasabi ko ang totoo at handa naman kasi akong panagutan ang lahat, lalo na yung para sa welfare ng anak ko," nakangiting sabi pa ng binatang ama.



PUBLIC ACCEPTANCE. Ipinaliwanag na ni Dennis noon na hindi niya alam kung paano matatanggap ng publiko ang tungkol kay Calix Andreas Ho, ang kanyang anak na lalake kay Carlene, na isinilang last September 22 sa Amerika.



"Pinag-usapan namin ni Carlene ang tungkol sa bagay na 'yan," paliwanag ng matinee idol. "Alam ko namang mabubunyag din kaya naisip ko, at the right time, malalaman at malalaman din ng publiko.



"Sa ngayon, ang masasabi ko lang, handa akong suportahan ang bata. Nakatuon doon ang lahat ng puwede kong magawa. Paisa-isa lang 'yan at yung ibang bagay, hindi ko pa masasagot."

Palalakihin daw nila ni Carlene, as best they can, ang kanilang panganay. Hinihintay na lang ni Dennis ang pagbabalik ng mag-ina niya sa Pilipinas, any time now.



"Yung sa aming dalawa ni Carlene, hindi ko masasagot. Pero definitely, hindi paraan ang marriage para ma-solve ang iba pang problems, kung mayroon man. Para sa akin, so far, walang problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Wala akong balak mag-settle down. Hindi namin masasagot ni Carlene ang bagay na 'yan dahil ang mahalaga sa amin, yung tungkol sa bata. Hindi natin alam kung ano ang pupuwedeng mangyari. Sa ngayon, wala talaga kaming balak na magpakasal," pagdidiin ni Dennis.



Hanggang ngayon, marami ang ay hindi makatanggap sa pagtatagong ginawa ni Dennis. May nagsabi pang kesyo si Dennis raw ay nuknukan ng pagiging sinungaling. Ano ang reaksiyon niya rito?



"Sinungaling pa ba yung inamin ko na nga?" napapailing na lang si Dennis. "Initial reaction kasi 'yon, kung iintindihin lang nila yung posisyon ko.

"Nag-usap kami ni Carlene about that thing at klaro sa amin 'yon. Desisyon namin 'yon kaya hindi ko rin siya masisisi kung talagang kinulit-kulit na siya ng press. Pero siyempre, nauna ang press sa bagay na 'yan kaya mayroong negative reaction from some people. Pero talagang noong panahong 'yon na may mga nagtatanong, hindi ako handa sa kung ano sasabihin ko.



"Natutuwa naman ako dahil may mga nakakaunawa, at doon sa mga hindi, okay lang. Mahirap i-please ang lahat, pero ang mahalaga sa akin, masaya ako. I'm a proud father now," tuluy-tuloy na pahayag ni Dennis.



Of course, naiintindihan din ni Dennis na hindi nga lahat ay makakaunawa sa ginawa niya.



"Pero I realized malaking bagay yung ganito ka-personal na bagay na isine-share ko sa publiko na sumuporta rin naman sa career ko. They always have the right to know," sabi ni Dennis.



THE AFTERMATH. Kung damage sa career ang susuriin, hindi ito basta nararamdaman ni Dennis.



"Pero tinatagan ko na ang loob ko sa mangyayari. Anyway, ang importante ay ang anak ko at ang pagsasabi ng totoo," pahayag niya.



"Natutuwa ako dahil name-maintain ang ratings ng Kung Mahawi Man ang Ulap, kung saan kasama ako. Sa daytime drama, pinakamataas ang ratings ng soap namin. At yung Zaido, nae-excite pa rin ang mga tao. Mataas ang ratings, at sa mga probinsiya nga raw, mas malakas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Kung mayroon man sigurong mga intriga, palagay ko, bahagi na lang 'yan ng pag-aartista ko. Pero sa nangyayari, confident ako na naiintindihan ng mas marami ang stand ko, and that's enough for me."



Ayon kay Dennis, sa broadband Internet pa lang niya nakita, so far, ang baby nila ni Carlene. Pero iba nga raw ang pakiramdam.



"Parang bigla kong nakita ang sarili ko nang bagong panganak ako," nakatutuwang reaction ng binatang ama.



"May mga bagay na excited ako, gaya kung ano ang mararamdaman ko kung mahahawakan ko na siya, o makakalong. Pinag-aaralan ko nang magpalit ng diaper. Wala akong alam sa bagay na 'yan, pero pag-aaralan ko. Gusto kong ma-experience ang ganoong mga bagay para maramdaman ko nang husto ang pagiging tatay ko," pagwawakas ni Dennis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN