Angelica Jones leaves home to find "space" away from mom's money problems


"Totoong umalis ako ng house namin ilang days na. Hanggang ngayon hindi pa ako umuuwi kasigusto ko lang magkaroon ng space, makapag-isip," says Angelica Jones.


Hindi itinanggi ng ina ni Angelica Jones, na kilalang Mommy Bethsa showbiz, ang mga bali-balita tungkol sa kanyang mga utang. Ngunit mariin nitong pinabulaanan na tinatakbuhan niya ang kaibigang kasosyo niya sa negosyo.

Ayon sa balita, nag-isyu diumano ng mga tseke si Bethsa kanyang kaibigan ngunit tumalbog ang mga ito dahil walang sapat napondo. Sa kasalukuyan, sinampahan ng estafa ang ina ng sexy comedienne.

Sa taped interview ng Showbiz Central kay Beth kahapon, October 21, sinabi nitong: "Lahat ng taonagkakautang, but I'm sorry wala akong ganung kalaking utang. Hello? Sana imbestigahan muna nila sana kung ano ang totoo. Ayaw kong magsalita kasi ayaw ng lawyerko. Sa court na lang kami magkita."

Tungkol naman sa pagtatago, ipinaliwanag ng ina ina ni Angelica na hindiposible 'yon dahil, "Araw-araw may taping kami dito sa GMA, 'tapos ngayon mayteleserye pa siya [Angelica]. Paanomangyayari itong mga balitang ito?"

Bunsod ng mga balita, inamin ni Beth na pati angkanyang anak ay labis na naaapektuhan. Aniya, "Aaminin ko naapektuhan ang aking anak. Actually si Angelica, na-depress talaga ngdalawang araw. Sobra siyang nasaktan."

ANGELICA'S REACTION. Dahil sa mga nasabingbalita, may usap-usapan tuloy na lumayas si Angelica sa kanilangbahay. Hindi naman ito pinabulaanan ni Angelica sa live interviewsa kanya ng Showbiz Central kahapon din.

"Totoong umalis ako ng house namin ilang days na. Hanggang ngayon hindi pa ako umuuwi kasigusto ko lang magkaroon ng space, makapag-isip," pahayag ni Angelica.

Ngunit nilinaw ng sexy comedienne na hindi sila nag-away ng kanyangina. Aniya, "Hindi naman kamimagkaaway, nagkaroon lang kami ng tampuhan, hindi pagkakaintindihan. Hinihingi ko lang sa kanya ang space langpara makapag-isip. Para kung ano ba angplano ko, ano ba ang dapat kong gawin."

Dagdag pa niya, hindi lamang ang isyu ito ang dahilan ngkanyang paglayas. "Nagsabay-sabay lahat, e. Sa familyproblem, itong isyung 'to, sabay-sabay lahat ng problema, e," sabi ni Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasabi rin ni Angelica na, "Yung mga pinaghirapan ko saan nanapunta? Bakit parang nawala? Bakit dumating sa point na nagkaganito?Tapos sumabay pa doon sa ibang problema ko."



MONEY MATTERS. Bagama't amindo si Angelica na malaki ang nawala sa kanyangpera nang tumakbo siya bilang board member sa Laguna, nagtataka pa rin siya kung saan napupunta lahat ng kanyangmga pinaghirapan. Pero nilinaw niya na hindi naman niya ito sinisisi sa kanyangina.

Paliwanag niya, "Hindi naman niya inubos, e. Hindi naman siya nag-e-enjoy o bumibili, hindinaman siya maluho. Hindi langsiguro... Money management, yung malingpagpapatakbo ng pera. Hindi naman siyagumastos kung saan-saan. Ginagastosnaman 'yon para sa bahay namin, yung mga dapat bayaran.

"Nagkataon lang talaga na nagkaroon kami ng financialproblem after election. Kung hindi akokumandidato, siguro wala sanang problema. Pero nandoon na 'yon, e. Ang iniisip ko na lang, marami akongnatulungan sa Laguna. Kaya walang sisihan. Siguro may dahilan ang Diyos kung bakit kumita ako before ng malaki, yunpala biglang isang iglap, nawala sa akin."

NOT YET COMING HOME. Kahit na malayo sa kanyang ina, inamin naman ni Angelica na maykomunikasyon pa rin naman sila nito.

Aniya, "Nag-uusap kami regarding sa mga commercials ko,projects ko. Nag-uusap din kami,nagte-text siya sa akin. Nag-text siyasa akin kahapon na humihingi naman siya ng sorry. Humingi siya ng sorry andsinabi niya na mahal na mahal niya ako.

"Ako, tinanggap ko naman 'yon at mahal na mahal ko naman ang Mommy ko. Kahit anong mangyari, nanayko pa rin yun at nag-iisa lang ang nanay ko. Nagkataon lang na mayroon pagsubok na dumating sa buhaynamin na siguro sinusubukan kaming mag-ina kung magkakahiwalay ba kami omagkakaintindihan kami, kung magtutulungan kami."

Nang tanungin kung may balak na ba siyang umuwi sa kanilangbahay, sinabi ni Angelica, "Gusto ko munang mag-isa. Nag-usap naman kami na mag-uusap kami, puwede kami magkita perokapag ano...space muna para may sarili akong desisyon, may sarili akongpaninindigan. At saka mas makilala koang sarili ko, kung ano ba ang dapat kong gawin para mas maging strong 'yongpagkatao ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakiusap din si Angelica sa taong nagsampa ng demanda sa kanyang ina. Aniya habang umiiyak, "Tama na, maawa naman kayo. Ang dami ko nang problema, huwag niyo nang dagdagan. Hindi naman artista ang nanay ko, ako angartista. Ako na lang ang batuhin niyo,ako na lang ang siraan niyo, huwag niyo na pong idamay ang nanay ko, nakikiusapako.

"Nagbayad naman nang maayos ang nanayko. Lahat ng kinita ko binabayad namansa inyo, e. Kaya nga ako nagtratrabahongayon para matulungan ko lang ang Mama ko. Kahit wala nang matira sa akin basta maging maayos lang ang family ko."

Bilang panghuli, nanawagan din si Angelica sa mga taongnanghuhusga sa kanyang ina. "Sa mga taong nanghuhusga, naninira, tama na kasi hindi naman kriminalang nanay ko. At saka wala naman kaminginapakan, kami yung naloko. At angimportante wala kaming sinasagasaan na tao," sabi ni Angelica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN