Jackie Forster asks media to respect her special someone's non-showbiz privacy


Jackie Forster chose not to talk about herboyfriend whom Showbiz Central spotted during the finals night of CelebrityDuets last Saturday, October 20. She explained, "It's not something that he needs or I don't think hewants it. So huwag na lang parang, diba, respeto sa kanya."


Kitang-kita ang pagiging sweet nina Jackie Forster at ngkanyang bagong boyfriend sa finals night ng Celebrity Duetsnoong October 20.

Bagama't ayaw magsalita ni Jackie tungkol sa kanyang kasamanglalaki noong gabing iyon, sinabi naman ng aktres sa Showbiz Central na,"Basta hindi siya taga-rito. I don'twanna ano, kasi he's really non-showbiz, so I don't wanna drag him into thislight. It's not something that he needsor I don't think he wants it. So, huwagna lang parang, di ba, respeto sa kanya?"

Ayon pa Jackie, itinuturing na lamang niyang added bonus ang pagdatingng kanyang boyfriend sa mga nangyayari sa buhay niya ngayon. Aniya, "It's an added bonus. Added bonus lang na I'm seeing someone but,I mean, even before my boyfriend, masaya na talaga ako."

Dagdag pa niya, masaya daw siya dahil maayos ang mga pangyayarisa buhay niya sa ngayon. Ito ay pagkatapos ng masalimuot na sinapit ng kanyang kasal sa basketbolistang si Benjie Paras. Hindi na nakikita ni Jackie ang dalawa niyang anak na lalake kay Benjie.

"Things are going well for me. Things are really going well for me. I'm happy for my son and with everythingelse in my life sobrang saya," sabi ni Jackie na ang titnutukoy ay ang kanyang anak sa dati nitong boyfriend na hindi taga-showbiz.

Ipinaliwanag din ng aktres na matagal na niyang hinihilingang isang pagbabago sa kanyang buhay. Paliwanag niya, "I think positive attracts positive and I've beenpraying for some other things for a really long time. Finally, you know, my dreams and my prayers are coming true."

"Rightnow, I'm really glad with the opportunities that are coming my way. Now it's just me actually becoming a biggerperson," pagtatapos ni Jackie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN