Jean Garcia moves on after out-of-town controversy


"Tapos na ‘yon, e. Wala na akong dapat ikuwento pa. It's all behind me now," says actress Jean Garcia about the mystery behind her out-of-town appearance.



Masayang-masaya ang aura ni Jean Garcia nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pocket presscon ng Hide and Seek last Saturday, October 20, sa Imperial Palace Suites. Ito ay sa kabila ng napagdaanan nitong malungkot na karanasan kamakailan.

Matatandaang naging isang malaking balita ang pagbisita ni Jean sa Surigao del Norte na hanggang ngayon ay misteryo pa rin dahil minabuti ng aktres na huwag nang magsalita tungkol sa kung ano talaga ang nangyari.

Bilang isang professional na artista, hindi pinapabayaan ni Jean na maapektuhan ang kanyang trabaho dahil ito raw ang tanging bagay na nakakapagsaya sa kanya.



"Kumusta naman? Come on!" sabay tawa ni Jean. "Mukha ba akong ngarag, mga kapatid? Hindi naman, di ba? Kilala n'yo naman ako, basta work, work ang lola n'yo. Takot akong mawalan ng trabaho, ‘no! Kaya work lang nang work!"



Very positive nga ang attitude ni Jean sa gitna ng mga kontrobersiya. Para sa kanya, tapos na raw ‘yon. Kung ano raw ang mga lumabas pang mga balita, hindi na raw siya updated.



"May mga lumalabas pa ba?" tanong niya. "Sorry kasi hindi ako nakakapagbasa lately ng mga diyaryo. Ibinabalita na lang sa akin ng mga kaibigan ko or nila Direk Manny [Valera, her manager]. Do I need to react? Hindi na. Tapos na ‘yon, e. Wala na akong dapat ikuwento pa. It's all behind me now.



"Kung may mga nagsasalita pa about what happened, sila na ‘yon. Hindi nanggaling sa bibig ko ang mga sinasabi nila. Basta ako, quiet na akong nagtatrabaho."



GIMMICK? Nagkataon naman na sabay-sabay ang mga trabaho ni Jean ngayon. May pelikula siya sa Regal Entertainment na Hide and Seek, kung saan kasama niya ang kanyang anak na si Jennica Garcia. May bago rin siyang TV show, ang suspense-thriller drama na La Vendetta sa GMA-7, kasama sina Jennylyn Mercado at Sunshine Dizon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Naakusahang gumigimik si Jean dahil paraan daw niya para mag-promote ng kanyang pelikula at show. Ano ang reaksiyon niya rito?



"Natatawa nga ako kasi bakit ko naman kailangan pang gumimik?" sabi niya. "Never naman ako nagganyan, di ba? Maraming nakakakilala sa akin. Never akong nag-isip ng gimik. Hindi ko kailangan ng ganyan.



"At saka, hindi naman ako bida. Kontrabida ako, kapatid. Saan ka nakabalita na isang kontrabida ang gumimik? Ang sosyal ko naman! Kumusta naman daw ang gimik ko? Come on!" natatawang sabi ni Jean.



JENICA'S DEBUT. Tinanong ulit namin si Jean kung may preparasyon na ba siya para sa debut ni Jenica sa December. Ayon sa single mom, hanggang ngayon daw ay hindi pa decided ang kanyang anak sa ano ang gustong gawin nito sa kanyang 18th birthday.



"Magulo ang anak ko, kapatid!" tawa niya ulit. "Hindi niya malaman ang gagawin niya talaga. Noong una, gusto niyang mag-out-of-the-country kami. ‘Tapos biglang gusto niyang mag-outreach to do charity work. Humingi pa siya ng tulong sa Daddy niya [Jigo Garcia].



"Nasa kanya naman ‘yon, e. Basta ako, nandito lang at naghihintay ng kung ano ang gusto niyang mangyari. Pero ang parating bilin ko sa kanya ay ipagdasal na maging successful ang first movie niya na Hide and Seek. Para masundan pa ito kaagad, di ba?" pagtatapos ni Jean.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN