Lorna Tolentino's eye problem heals as hubby Rudy Fernandez recuperates


After arriving from the United States, actress Lorna Tolentino's eye turned red after a vein burst. "Luckily, magaling yung gamot na ibinigay sa akin. Yung dropper na para sa mata ko, nawala siya in five days," says Lorna.



Nagbukas ang ika-17 branch ng Forever Flawless last Sunday, October 21, sa Festival Mall, Alabang. Ang aktres na si Lorna Tolentino ang muling nag-cut ng ribbon nito along with other Forever Flawless celebrity endorsers na sina Mark Herras, Alyssa Alano, Pauleen Luna, Prince Stefan, at Yasmien Kurdi.



Hindi pa masyadong nakakabawi ng lakas si Lorna pagkagaling sa Amerika dahil sunud-sunod agad ang commitments na naghihintay sa kanya sa Pilipinas. Marami tuloy ang bumibilib at nai-inspire sa lakas ni Lorna.



"Hindi naman!" natatawang bungad ni Lorna sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "E, pumutok nga yung vein sa mata ko pagdating namin from the U.S. So, akala ko...sabi kasi ng doctor, ten to fourteen days. Luckily, magaling yung gamot na ibinigay sa akin ni Dr. Enriquez. Yung dropper na para sa mata ko, nawala siya in five days."



Sobrang pagod sa biyahe at stress daw ang dahilan ng pagputok ng vein sa mata ni Lorna.



"Tumawag nga sa akin si Senator Jinggoy [Estrada] na nasa Switzerland. Sabi niya, ‘Uy, ano yung nilagay mo sa mata mo? Kasi ako naman ngayon ang nagkaganun.' Tinext ko sa kanya yung pangalan. ‘O, made in Switzerland pa yung gamot.' Sosyal!" kuwento ng aktres.



Ang doktor din sa sa mata ng mister niyang si Rudy Fernandez ang tumingin at nagreseta ng gamot kay Lorna. Nagulat pero hindi naman daw nag-worry si Daboy nang makita ang pula sa mata ng misis niya.



Speaking of Daboy, okay naman daw ang mister niya as of last Sunday.



"One month siyang free ng chemo. Nung October 19, start na ‘yon. So, nag-a alternative kami. Pahinga siya ngayon, nagpapalakas. Nakapag-badminton na siya last week."



Ano ang ibig niyang sabihin sa "alternative"?



"Iba-ibang alternative... Ayokong sabihin kasi siyempre alam mo naman yung mga iba. Kung ano yung magwo-work sa kanya, saka namin ire-reveal, ganun na lang ‘yon," pahayag ni Lorna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sa himig ng pagsasalita ni Lorna, mahuhulumigan na may ibang kahulugan ang huli niyang sinabi.



"Hindi," tanggi niya. "Kasi may mga nababasa ako na parang bang, ‘Hay naku, dapat ito ang tini-take niya. Imbes na kung anu-ano yung tini-take niya ‘tapos nagki-chemo pa siya.' Ganyan-ganyan. Yung mga ganun na para bang...

"Hindi naman ako nagagalit," paglilinaw ni Lorna. "Kasi siyempre, gusto namin yung concern nila, nakaka-touch din. Kaya lang siyempre, depende sa katawan ‘yan, e. Yung pwede sa ‘yo, hindi naman automatic puwede sa kanya. Ganun ‘yon, di ba? Nasa katawan ng tao ‘yon, pero tina-try namin lahat, iba-iba."



Ano ang gagawin ni Daboy habang wala siyang chemo?



"Pahinga lang muna at saka nag-eensayo siya. Lalabas muna siya. Kasi kung anuman ang mapag-usapan sa Wednesday [October 24], talagang kailangang well-rested siya," sagot ng misis ng action star.



Ano ang pag-uusapan nila?

"Depende kasi if he will have to go on with another chemo or if he'll have an operation. ‘Yon yung mga alternative."

Kung si Lorna ang masusunod, alin ang pipiliin niya?

"Depende kasi," sagot niya. "Depende kung ano talaga ang sasabihin ng doktor sa ‘yo. Kung alin yung makakabuti. Siyempre, kung saan makakabuti para sa kanya [Rudy], kung saan ang kakayanin ng katawan niya."

Sa kabila ng karamdaman ng action star, matikas pa rin ang pangangatawan ni Daboy nang huli namin siyang makita sa birthday party ni Jude Estrada bago sila tumulak patungong Amerika.

"Lalo na ngayon!" bulalas ni Lorna. "Kasi yung discoloration ng face niya, ng mga ano niya, nawala na. Makapal na ulit ang buhok niya. Inunahan na kasi namin. Nung naglulugas-lugas na, nagpakalbo na agad siya. Parang two days, inunahan namin. Ang hindi pa bumabalik sa katawan ni Rudy, yung laman dito sa braso, medyo manipis."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN