Jean Garcia vehemently denies report that she is an alcoholic


Actress Jean Garcia defends herself:"I drink, yes, sino ba ang hindi? Pero socially lang. Madalas ang mgakasama ko, mga co-stars ko, bonding-bonding. Pero para sabihinglasengga ako at alcoholic pa raw, sobra na yun!"



Katatapos lang ng issue ni Jean Garcia with the province of Surigao del Norte, pero may bagong nabasang intriga na naman ang ina ni Jenica Garcia about her—ang pagiging lasenggera niya diumano.

"Nagulat talaga ako doon!" sabi ni Jean sa presscon ng launching movie nina Jenica at Mart Escudero na Hide And Seek last Saturday, October 20, sa Imperial Palace Suites. "Noong nabasa ko nga na nakita raw akong naglalasing sa isang bar, ang una kong nasabi, ‘Ako ba talaga ito?'

"Sobrang dami naman yata ng mga issues sa akin ngayon. Mabuti pa saksakin n'yo na lang ako ng harapan," pabiro ngunit may laman niyang dagdag.

"I drink, yes, sino ba ang hindi? Pero socially lang. Madalas ang mga kasama ko, mga co-stars ko, bonding-bonding. Pero para sabihing lasengga ako at alcoholic pa raw, sobra na yun!

"As is, harassed na ako...sa trabaho ha," dinagdag niya agad bago siya natawa nang malakas dahil sa paggamit ng salitang "harassed."

"Ngayon, wala pa akong tulog, dumiretso ako from [San Fernando] Pampanga dahil doon ang taping ng soap namin [La Vendetta]. Dumiretso ako rito to promote, ‘tapos babalik ako sa taping bukas. Saan pa ako magkakaroon ng oras para uminom at maglasing?

"Saka isa pa, kahit naman noong nagsisimula ako, wala naman akong image na manginginom. Wala rin akong issue na nagwala ako sa isang bar na lasing na lasing. Why now?

"Lumalaki na ang mga anak ko, si Jenica may career na rin. Ngayon pa ba ako maglalasing?

"Nakakatawa nga ang anak ko, kung kailan nakapasok sa showbiz, saka nagpapa-baby. Sabi niya sa akin kanina bago kami nagpunta dito [sa presscon], ‘Mommy may StarTalk po ako pagkatapos, samahan n'yo ako ha.' At ang isinagot ko, ‘Anak may career din si Mommy,'" natatawa niyang kuwento.

Magkasunod na magbubukas ang Hide and Seek at La Vendetta. This October 29 magpa-pilot ang La Vendetta sa GMA-7 at sa October 31 naman ipalalabas nationwide ang Regal movie directed by Rahyan Carlos. Premiere showing will be on Sunday, October 28, at SM Megamall, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN