Lolit Solis welcomes Sam Milby's threat to sue her


"Welcome na welcome sa akin ang pagdedemanda na gagawin ng isangAmerican citizen. O ayan ha, baka sabihin na naman ng fans nanagbibigay uli ako ng malisya dahil sinasabi ko na American citizensiya. Na inililihis ko ang isyu," says Lolit Solis about Sam Milby (inset), who threatened to sue the columnist should she fail to issue a retraction and a public apology.


"Ready na ako sa anumang kaso na isasampa ni Sam [Milby]laban sa akin," pahayag ni Lolit Solis sa kanyang column na lumabas ngayon araw, October 23, saPilipino Star Ngayon.

Kaugnay pa rin ito ng naisulat ni Lolit sa kanyang column noong October 15, kung saan sinabi niya na nakita niyang "nagbubulungan at halosmagkadikit ang mga pisngi" nina Sam at Piolo Pascual sa coffeeshop ng Hotel Sofitel noongOctober 12.

Dahil dito, nag-demand si Sam ng public apology at retraction mula kayLolit. Hiniling din ng actor-singer na bawiinng kolumnista ang kanyang naisulat. Bagay na hindi naman pinaboran ni Lolit.

Paliwanag ng StarTalk host, "Mas gugustuhin ko naidemanda ako ni Sam kesa bawiin ko ang statement ko. Puwede akong mag-sorry kung talagang na-hurt siya sa akingmga sinabi, pero never kong babaguhin ang kuwento ko!"

Nagtataka pa rin si Lolit kung bakit tanging sa kanya lamangnag-react nang ganito si Sam gayong marami na rin daw ibang tao ang diumano'ykumukuwestiyon sa kasarian nila ni Piolo.

Sabi ni Lolit, "Kapag itinuloy ni Sam ang pagdedemanda,ipinakita lang niya na hindi siya patas lumaban. Bakit hindi niya idinemanda ang mga tao na nagsasabi noonna gay siya? Ako, never akong nagsulatna gay si Sam o si Piolo."

Dagdag pa niya, "Amateur na amateur nga ang statement kokumpara sa mga sagot noon ng mga naging guest sa radio program ni DJ Mo [Twister], nangitinanong nito kung sino sa palagay nila ang mga artista na sasabihan nila ng 'Dude, I think you're gay!' Kaninongpangalan ba ang kanilang isinasagot, pero hindi naman nagbanta ng demanda?"

OTHER WITNESS? Nabanggitdin ni Lolit sa kanyang column na isang empleyado ng produktong nagdaos ngevent sa Hotel Sofitel ang tumawag sa kanya at nagsabi na nakita rin niya si Piolonoong October 12 sa naturang hotel.

Binanggit din diumano ng naturang empleyado ang uri ngsasakyan na gamit ng aktor. Salaysay niLolit, "Ikinuwento pa nga nila sa akinna Hummer ang sasakyan ni Piolo. Paanonalaman ng mga tumawag sa akin ang klase ng sasakyan na gamit ni Piolo kunghindi nila nakita?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

AMERICAN CITIZEN? Binanggit din ni Lolit ang pagiging American citizen ni Sam sa kanyang column.

Ayon kay Lolit, "Welcome na welcome sa akin ang pagdedemanda na gagawin ng isang American citizen. O ayan ha, baka sabihin na naman ng fans na nagbibigay uli ako ng malisya dahil sinasabi ko na American citizen siya. Na inililihis ko ang isyu.

"It's a fact na American citizen si Sam, 'no! Baka nga hindi niya memorized ang lyrics ng 'Lupang Hinirang' kapag ipinakanta ito sa kanya!" pahabol pa ng palabang kolumnista.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN