Why Dr. Manny Calayan was a no-show at "Celebrity Duets" grand finals


Through a text message to PEP (Philippine Entertainment Portal), Dr. Manny Calayan explains not showing up in the grand finals of Celebrity Duets last Saturday, October 20. The last to be eliminated among the celebrity contestants, Dr. Calayan was a guest on the show of Ara Mina, Faith Cuneta, and Jay-R at Zirkoh Timog that night.



Kapansin-pansin ang absence ni Dr. Manny Calayan sa grand finals ng Celebrity Duets noong Sabado, October 20, sa Studio 3 ng GMA TV Complex. Isa si Dr. Manny sa walong celebrity contestants ng naturang talent show at na-eliminate siya a week before the finals night. Naglaban-laban sa finals ang top three finalists na sina Tessa Prieto-Valdes, Jessica Rodriguez, at Dr. Hayden Kho, Jr. Si Tessa ang itinanghal na champion.

Except for Doc Manny, present ang mga finalists na hindi umabot sa final round, sina Tim Yap, Frederick Peralta, Wyngard Tracy, at Anna Theresa Licaros. Nagkaroon tuloy ng bulung-bulungan na binoykot diumano ng cosmetic surgeon ang finals night dahil hindi siya nakapasok sa top three.

Sa pamamagitan ng text messages, nilinaw ni Dr. Calayan sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang isyu kahapon, October 22.

Ayon sa kanya, hindi totoong binoykot niya ang grand finals ng naturang show hosted by Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Paliwanag niya, nagkataong that same night ay guest siya sa show nina Ara Mina, Faith Cuneta, at Jay-R sa Zirkoh Timog.

Nagtataka nga si Dr. Calayan kung bakit nagkaroon ng isyu na kesyo bitter siya at hindi niya diumano matanggap ang pagkaka-eliminate niya. Nilinaw niya na tanggap niya kung hindi man siya nakapasok sa top three. Alam naman daw niyang competition ang kanyang sinalihan, kaya may nananalo at may natatalo. Hindi rin daw siya sore loser at sport naman siya.

Dagdag pa ni Dr. Calayan, wala raw siyang bitterness o sama ng loob kahit na kanino. Satisfied siya sa naging resulta ng grand finals at masaya rin siya na nagwagi ang fashionistang si Tessa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN