Joseph Bitangcol can appear on GMA-7 while waiting for next project with ABS-CBN


Young actor Joseph Bitangcol has not yet renewed his contract with Star Magic since it expired last September. He is now solely managed by Manny Valera.



Successful ang first ticketed show ng all-male group na Boyz.Com ng DMV Entertainment ni Manny Valera last Saturday, October 20, sa Klownz Angeles, Pampanga. Ayon kay Manny, na nakapag-produce na rin ng dalawang shows sa nasabing venue, lumaban ang ticket sales ng Boyz.Com Live concert with that of Jay-R's concert, which Manny also produced in the same venue. Hindi lang locals ang nanood ng show dahil may mga galing din sa Manila na dumayo just to watch the show with Alessandra de Rossi as special guest.



May second show ang Boyz.Com this Saturday, October 27, sa Zirkoh Timog, with Giselle Sanchez naman as special guest. This early, sabi ng co-producer ni Manny na si Gas Apostol, puwede niyang i-book ang Boyz.Com for a repeat this November sa Teatrino sa Promenade Greenhills.



One of the most applauded numbers in the show was the solo production number of Joseph Bitangcol doing the "Sexy Back" song of Justin Timberlake with eight back-up dancers. Si Joseph lang daw ang may solo production number with complete back-up dancers.

Ang unang tanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Joseph nang makausap namin siya ay kung ipinakita niya ba ang kanyang "sexy back" sa concert.



"Hindi po doon sa kantang ‘yon, pero may production number po kaming lima [with co-members Polo Ravales, Frank Garcia, Alwyn Uytingco, and Gabb Drilon] where we took off our shirts," sabi ni Joseph sa special presscon na ibinigay sa kanya kahapon, October 23, sa Uno Restaurant sa Tomas Morato, Q.C.



Bigla tuloy namin naalala na during the presscon ng ABS Star Magic for the celebrators of the month of March, may nakita na kaming sexy picture ni Joseph, supposedly for an issue of the magazine Front Man. Joseph was provocative in the picture; mga dahon lang ang nagtatakip sa kanyang harapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi ko po alam kung ano na ang nangyari doon. Sabi nila na-publish daw sa Singapore," sagot ng young actor nang tanungin tungol sa naturang magazine.



Inusisa namin si Joseph kung puwede itong gawin dahil he was photographed for a local magazine and yet it was published in a foreign country. Yun daw ang sabi sa kanya ng photographer na si Dave Fabros.



Speaking of Star Magic, tinanong din namin si Joseph kung co-managed pa ba siya ng talent department ng ABS-CBN at ng DMV. Joseph, though part of the Star Magic Catalogue 2008, has yet to renew his contract since it expired last September.



"Sila po [DMV and Star Magic] ang nag-uusap doon, pero sa ngayon, solo managed muna ako ni Direk Manny," sabi ni Joseph.



Huling napanood si Joseph sa afternoon soap nina Diether Ocampo, Wendy Valdez, at Bruce Quebral—Margarita.

Ang sabi raw ng isang top ABS-CBN executive kay Manny, just because Joseph didn't sign up with Star Magic again, it doesn't mean na hindi na siya bibigyan ng trabaho sa ABS-CBN. Balitang naka-lineup si Joseph for one of the upcoming Kapamilya soaps.



This also doesn't mean na hindi pa rin puwedeng lumabas si Joseph sa isang regular show sa GMA-7.



"Nothing is concrete pa naman as far as the ABS soap is concerned," sabi ni Manny about this. "Siguro pa-guest-guest muna si Joseph sa mga GMA shows habang naghihintay kami for the ABS soap."



May isang regular TV show sa GMA-7 na sinabi si Manny na puwedeng unang pasukan ni Joseph. Pero dahil plano pa lang, pina-off the record muna niya ito.



Naitanong din namin kay Joseph kung may communication pa rin sila ng kanyang ex-girlfriend na si Sandara Park. Meron pa rin naman lagi, sagot ni Joseph, kahit nasa Korea na si Sandara.



Ibinabalita rin daw ni Sandara sa kanya ang mga kaganapan sa Korea, so updated si Joseph. Single ngayon si Joseph at 23, at wala pa siyang balak sundan si Sandara ng bagong girlfriend. Career daw muna ngayon ang kanyang priority.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN