Dingdong Dantes ecstatic over high rating of "Marimar"


"Nakakatuwang makitang maganda ang response ng viewers sa ginagawa ko. Assurance sa akin ‘yon that I'm doing the right thing," says Dingdong Dantes about the success of Marimar.



Bumisita ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Marimar last week na ginawa sa Riverbend Hotel sa Marikina City. Si Dingdong Dantes ang unang nakausap ng PEP na high na high sa ilang araw na plus-40 percent rating ng telenovela. Ang pinakamataas, so far, ay 44.6 percent.



"This is it! This is worth the wait. Dream come true sa aking maging effective actor sa isang show at nangyari na nga. ‘Tapos sinasabayan pa ng mataas na rating. Masaya ako!" Hindi mapigil ni Dingdong ang kasiyahan.



Anong high ang naibibigay sa kanya ng Marimar?



"Satisfaction!" bulalas niya. "Nakakatuwang makitang maganda ang response ng viewers sa ginagawa ko. Assurance sa akin ‘yon that I'm doing the right thing."



Hindi ba nagdaramdam si Dingdong na kahit sinisikap niyang mapahusay pa ang acting niya ay may mga nakukulangan pa rin sa ipinapakita niya?



"Okay lang kung may ganun pa rin ang paniniwala at hindi offending ang ganung remarks," sagot niya "Ang alam ko, maganda ang performance ko at ipu-prove ko ito sa mga susunod pang episodes ng soap. We still have a long way to go dahil February next year pa yata matatapos ang Marimar."



In fairness, nakita ng PEP kung paano ginampanan ni Dingdong as Sergio ang eksenang muli nilang pagkikita ni Marimar (Marian Rivera) pero ayaw siyang kilalanin ng huli. Real tears ang tumulo sa mga mata ng young actor at may kasama pang uhog.



Nang sumigaw si Direk Joyce Bernal ng "Dingdong, be handsome!" ay kanya rin itong sinunod. With a little effort nga lang dahil natural na siyang guwapo. Papungay na lang ng mga mata at killer smile na lang ni Dingdong ay okay na kay Direk Joyce.



Hindi lang sa ratings ibinabatay ni Dingdong kung nagugustuhan ng tao ang isang particular episode ng Marimar. Mas nauuna pa raw ang kanyang mga kapitbahay kesa sa media group na AGB Nielsen sa pagbibigay ng resulta ng ratings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Kapag nanonood ako sa bahay, nadidinig ko ang reaction ng neighbors ko. Sabay-sabay silang sumisigaw pag nagugustuhan ang eksena, gaya nung hinabol ko ang kotseng sinakyan ni Marimar nang muntik kaming magkita sa Tiendesitas. Natuwa ako," nakangiting kuwento ni Dingdong.



Dahil matagal pang tatakbo ang Marimar, ayaw munang mag-isip si Dingdong ng kasunod na project niya. Dito raw muna ang concentration niya at alam niyang hindi siya pababayaan ng GMA-7 pagdating sa bagay na ito.



Wala ring maisagot si Dingdong nang tanungin namin siya tungkol sa pelikulang Dagaw, na gagawin niya sa GMA Films at pagsasamahan nila nina Richard Gutierrez at Marvin Agustin. Hindi pa raw siya nagsu-shooting dahil inuuna muna ni Direk Chito Roño ang London Caregiver ni Sharon Cuneta under Star Cinema. Tuloy, mukhang nagbago na naman ang isip nito't hindi na naman siya sigurado kung gagawin pa ang horror movie ng GMA Films.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN