U.S.-based Gladys Guevarra still hounded by intrigues


Gladys Guevarra proudly shows her red Hummer, reportedly bought for her by Fil-Am boyfriend Philip Peredo. Gladys and Philip have been staying in New Jersey for two months now.



August 18 nang umalis ng bansa ni Gladys Guevarra kasama ang Fil-Am boyfriend na si Philip Peredo papuntang New Jersey.

Iniwan ni Gladys ang showbiz career at buhay niya rito sa Pilipinas dahil pangarap niya talagang mabago ang takbo ng buhay niya. Ito ay sa kabila ng magandang itinatakbo ng career niya rito.

Bagama't tahimik na siyang namumuhay sa Amerika, hinahabol pa rin ng tsismis si Gladys dahil sa biglaang pagkawala niya. Nariyang buntis daw siya, pero kanyang idinenay ito sa mga talk shows via phone patch. Nariyan ding ikinasal na raw sila ni Philip, pero pinabulaanan din ito ng comedienne.

Bago umalis si Gladys, nabanggit niyang mag-aaral siya ng culinary arts sa New York. Hilig daw kasi talaga niya ang magluto, na isa sa nagustuhan sa kanya ng boyfriend niya.

Ang latest na balita kay Gladys ay binilhan siya ng red Hummer ni Philip, na ginagamit nila sa mga lakad nila sa New York. Walang nabanggit si Gladys tungkol dito, pero pinadalhan niya kami ng picture kung saan katabi nila ni Philip ang Hummer.

Sa February next year ang balik ni Gladys sa bansa. Hindi lang kami sigurado kung magbabalik-showbiz pa siya dahil balita namin, tatakbo sa eleksiyon sa Amerika si Philip. Puwede ba niyang hindi tulungan sa kampanya ang lalaking nagmamahal sa kanya nang lubos?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN