Wendell Ramos dismisses intrigues embroiling him with Sheryl Cruz and Marian Rivera


Hunky actor Wendell Ramos disputes issues pitting him against Marian Rivera (inset, top) and linking him to Sheryl Cruz (bottom).



Nasasangkot ngayon ang aktor na si Wendell Ramos sa dalawang babaeng artista—Sheryl Cruz at Marian Rivera. May relasyon diumano sina Wendell at Sheryl, samantalang pinag-aaway naman ang aktor at si Marian.

Sinagot ni Wendell ang mga naturang isyu sa presscon ng kinabibilangan niyang bagong suspense-drama series ng GMA-7, ang La Vendetta, noong October 23 sa Ilustrado restaurant, Intramuros, Manila.



SHERYL CRUZ. Ang issue tungkol kina Wendell at Sheryl ay nagsimula pagkatapos ng kanilang pinagsamahang afternoon soap opera sa Kapuso network na Sinasamba Kita. Nagsimula sa mga blind items ang secret relationship diumano nina Wendell at Sheryl na nabuo noong nagte-taping sila ng naturang Sine Novela.



Ayon pa sa blind item ay super-asikaso raw ni Sheryl kay Wendell at dumating pa sa point na dinadalhan pa raw ng pagkain ng aktres ang aktor sa taping. Naisulat din na para hindi raw halata ay may dala rin diumanong pagkain si Sheryl para sa lahat ng cast and crew, pero nakabukod daw ang kay Wendell.

Nauna nang pinabulaanan ni Sheryl ang naturang isyu sa kanila ni Wendell. Si Wendell naman ay natawa nang usisain namin siya tungkol sa napabalitang relasyon nila ni Sheryl.



"Ano ba ‘yon?" tawa niya. "Tapos na show namin, huh! Ngayon pa ba kami matsitsismis? Wala naman ‘yon. Naging close lang kami ni Sheryl because lagi kaming may mga eksena sa Sinasamba Kita. Pero wala kaming naging secret relationship. Wala ‘yon. Nakakagulat naman ang tsismis na ‘yan!"



Wala rin daw matandaan si Wendell na dinalhan siya ng pagkain ni Sheryl. Minsan lang daw niya nakita si Sheryl na nagdala ng pagkain sa taping, pero ito'y para sa lahat daw at walang nakabukod sa para kanya.



"Bakit naman gagawin ‘yon ni Sheryl, di ba? I think one time nagdala siya ng food sa set pero para sa lahat ‘yon. May sarili akong baon minsan, pero hindi galing kay Sheryl," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Dagdag pa niya, "Nakakahiya naman kay Sheryl kasi may asawa yung tao. Ayoko namang ma-involve sa ganyan kasi may sarili rin akong pamilya. ‘Tsaka nasa kabilang network [ABS-CBN] na si Sheryl kaya huwag na natin siyang intrigahin pa, kasi tapos na ang show namin. One of these days kapag aksidenteng nagkita kami ni Sheryl, I'm sure pagtatawanan lang namin lahat ng tsismis na ito."



MARIAN RIVERA. Iyong tungkol kay Marian ang mas ikinagulat ni Wendell. Ayon kasi sa mga lumabas na balita, may nakarinig daw kay Wendell na sinabing masyado raw feeling maganda si Marian at feeling nito na lahat ng lalake ay magkakagusto sa kanya.



"Wala akong matandaan na nasabi ko ‘yan or naging comment ko ‘yan against Marian," mariing tanggi ni Wendell.

"Unang-una, magkaibigan kami ni Marian. Ilang beses na kaming nagkatrabaho niyan. Just a week ago, nagkita at nagkuwentuhan pa nga kami. ‘Tsaka napaka-ungentleman ko naman kung sasabihin ko ‘yon sa kanya. It's not true. In fact, masaya ako for Marian kasi ang ganda ng mga nangyayari sa kanya because of Marimar."



In fairness, sa hiwalay na panayam kay Marian ay sinabi nitong hindi siya naniniwala na puwedeng sabihin ‘yon ni Wendell tungkol sa kanya.



"Oo naman! Ako pa ba magsasalita ng ganun?" bulalas ni Wendell.

"In fairness naman, maganda si Marian at marami talaga ang liligaw sa kanya, lalo na ngayon na sikat na sikat na siya. Basta kami ni Marian, magkaibigan kami at wala akong sinasabing hindi maganda laban sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN