Snooky Serna grateful to GMA-7 for giving her another chance


"Talagang nagsisisi ako kasi I was going through so much at thetime. Gusto kong bumawi nang husto. Not only for Channel 7 but for mykids who went through so much trials. I don't want to make it appear napa-self-righteous ako, but God really humbled me so much," says Snooky Serna.



In good mood ang aktres na si Snooky Serna nang dumalo siya sa presscon ng kauna-unahang suspense-drama ng GMA-7, ang La Vendetta, noong October 23 sa Ilustrado restaurant, Intramuros, Manila. Very happy si Snooky dahil sa bagong project niya at ang ganda ng aura niya dahil muling nagiging aktibo ang kanyang career. Sobra-sobra rin ang pasasalamat niya sa Kapuso network sa pagtitiwalang ibinibigay sa kanya.



"I feel so grateful kasi sila [GMA-7] ang nasaktan ko the most, yet they're the ones who gave me another chance. Every time I go back to showbiz, Channel 7 is always there to take me in. Dapat magpakasipag ako kasi may usapan kami sa set na kapag na-late ng thirty minutes sa trabaho, may fine kami. Kapag hindi pa ako nag-behave, there's really something wrong with me na," sabi ni Snooky sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya.



Thankful din siya dahil hindi siya pinagkakaitang bigyan ng trabaho, especially ng GMA-7, sa kabila ng iba't ibang problemang kanyang kinakaharap.



"Talagang nagsisisi ako kasi I was going through so much at the time. Gusto kong bumawi nang husto. Not only for Channel 7 but for my kids who went through so much trials. I don't want to make it appear na pa-self-righteous ako, but God really humbled me so much," paliwanag pa niya.



Suwerte rin daw si Snooky sa kanyang mga anak dahil hindi siya iniwan noong panahong magulo ang lahat para sa kanya.

"My children, Sachi and Samantha, I'm thankful they have a dad [Ricardo Cepeda] who has strongly influenced them. They're very flexible. They're very mature for their age.



"We're not perfect people but our families [their dad's and mine] have instilled in them faith in God and gratitude. No matter how many times I stumble, my kids see me rise, that I think has rubbed off on them," pahayag ni Snooky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



LESSONS LEARNED. Ano naman ang mga natutunan niya sa buhay sa dami ng mga pinagdaanan niya?



"For the first time in forty-one years, I realized I'm strong" sabi niya. "Those two years turned out to be blessings in disguise. I think it's God's way of telling me I'm not weak. The Lord is really in control of everything. I owe my life to Him.

"Marami akong nagawang pagkakamali sa buhay, pero hindi pa huli ang lahat para magbago ako. Life is beautiful and I should cherish every minute of it. I have my children na sandigan ko sa lahat ng bagay."



Meron bang dapat sisihin sa mga nangyaring ito sa kanya?

"I don't blame anybody for my mistakes, it's just me to be blamed. Kung anumang kapalpakan ang nangyari sa akin, it's my choice. I can't blame anyone," sagot ni Snooky.



Kumusta naman ang relasyon nila ng kanyang ina na si Mila Ocampo ngayon?



"My mom and I always had a love-hate relationship," pag-amin niya. "I don't think there's a perfect relationship anyway. Even though she's my mom, we're still two different individuals, so we have our own beliefs. My mom is not perfect, so am I, and so is everyone here," sagot ng aktres.



Tungkol naman sa issue sa kanila ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas na sinabihan niyang "pinaka-plastic na artista sa showbiz'," nagbigay na ng pahayag ang aktres ukol dito.



"Kung sino man ang mga nakabangga ko lately, I don't mean na saktan kayo. I ask for forgiveness. Opinion ko lang naman kasi 'yon," sabi niya.



After her soul-searching, ayon kay Snooky, everything fell into place, at matapang na niyang hinaharap ang hamon ng buhay.



"I have a condition which my doctor calls a dystemic mood disorder, a little bit of a manic condition. I have to take certain medications at sa tingin ko naman, okay na ang lahat sa akin. Kailangan ko lang talagang mag-focus sa mga ginagawa ko and live life to the fullest. Life is so short, so I should enjoy every minute of it," paliwanag ni Snooky bilang pangwakas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN