Chynna Ortaleza's role in "La Vendetta" gets an upgrade


From being one of the maids, Chynna Ortaleza's role in La Vendetta was changed into Jean Garcia's personal assistant. "Para sa akin, challenge ‘yon kasi first time ko na makakabatuhan si Ms. Jean. Nagkasama na kami before sa Atlantika, pero hindi kami nagkaroon ng chance na magkaeksena," says Chynna.



Pagkatapos ng story conference ng pinakabagong soap opera ng GMA-7 na La Vendetta, naikuwento ni Chynna Ortaleza sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang magiging character niya sa drama-suspense series na ito.



Although hindi naman niya ni-reveal kung ano ang twist sa pagpasok ng character niya dahil nandoon ang isa sa mga mystery ng serye, naikuwento niya na along with Lotlot de Leon, Angelica Jones, and Caridad Sanchez ay isa siya sa mga maid ng pamilya ng magkakapatid na sina Jean Garcia, Sunshine Dizon, at Jennylyn Mercado.



Ayon pa nga kay Chynna, hindi raw niya masasabing kontrabida talaga ang character niya, but it's more in a gray area. In fact, nakapag-pictorial na rin daw siya along with the cast na naka-maid uniform din.



Pero noong Tuesday, October 23, bago magsimula ang presscon ng La Vendetta sa Ilustrado restaurant, Intramuros, Manila, nakita ni Chynna sa tarpaulin na nakasabit na iba na ang magiging character niya. Though same character name pa rin, pero nagtaka raw siya at nagtanong kung bakit yung fashionable Joanna—her name in La Vendetta—ang siyang naka-display.



Doon pa lang din nalaman ni Chynna from the production na binago na ang character na gagampanan niya. Nagulat man sa biglaang pagbabago, happy naman daw siya sa changes dahil para sa kanya, mas challenging ang bago niyang character.



"Actually ang term nga na ginagamit, na-upgrade yung role ko," natatawa niyang sabi. "Kasi from maid, biglang personal assistant na ako ngayon ni Ms. Jean. So, para sa akin, challenge ‘yon kasi first time ko na makakabatuhan si Ms. Jean. Nagkasama na kami before sa Atlantika, pero hindi kami nagkaroon ng chance na magkaeksena.



"As in ngayon lang talaga namin nalaman ni Ms. Jean na magkakaeksena kami. Ang reason ng production, ayaw kasi nilang magkaroon ng repetition in terms of characters dahil ilan na nga yung maids—sina Ate Lotlot, Angelica, at Tita Caring. Sa part ko, ganoon pa rin. Same pa rin ang pinagmulan ko at ano ang dahilan sa pagpasok ko sa pamilya," paliwanag ni Chynna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Hindi rin itinanggi ni Chynna na given the chance, gusto niya na as she gets older in the business, yung tipong mala-Jean Garcia rin daw sana ang maging status niya as an actress.



"For me, it's really good," sabi niya. "Challenge for me kasi hindi ako puwedeng pa-easy-easy lang dahil baka mamaya, bigla niya akong pagalitan. At saka, marami akong pointers na maaaring makuha sa kanya [Jean]. E, ganyan ang wini-wish ko na maging condition ko kapag tumanda-tanda ako. Gusto kong maging tulad niya."



Ayon pa kay Chynna, bukod sa challenge na makipagbatuhan ng linya kay Jean, natsa-challenge siya sa mismong genre ng soap dahil first time pa lang daw niyang gagawa ng suspense-horror-drama.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN