Tension heats up between ex-sweethearts Sunshine Dizon and Polo Ravales


"Hindi ko siya maintindihan, he knows me very well at matagal na kamingmagkakilala at mag-ex pa. I appreciate it very much kung didiretso siyasa akin dahil buong mundo na ang nakakaalam, except me," says Sunshine Dizon when asked about her reaction to Polo Ravales's revelation that among his past girlfriends, he chose Sunshine as the one he wants to reconcile with.



Naramdaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang tensiyon sa pagitan ng dating magkasintahan na sina Sunshine Dizon at Polo Ravales sa presscon ng La Vendetta na ginawa sa Ilustrado restaurant, Intramuros, Manila, last Tuesday, October 23. Bago ang presscon proper, bumaba kami para makibalita sa cast na nasa ibaba ng restaurant.



Naabutan ng PEP si Polo at hiningi namin ang reaction niya sa TV interview kay Sunshine, kung saan sinabi ng aktres kung bakit hindi sa kanya sinasabi ni Polo na gusto niya itong balikan at bakit sa press niya unang ipinaalam.



"Paano ko sasabihin sa kanya ‘yon, tanong lang ‘yon? Sinagot ko lang ang tanong na sino sa ex ko ang gusto kong balian if ever. Siya [Sunshine] ang binanggit ko dahil gusto kong subukan kung this time, magwo-work ang relationship namin. We were young nang maging kami, and yet, umabot kami ng four years. We're older now, naisip ko na baka mas maging maayos kung muli kaming magkaka-relasyon," paliwanag ni Polo.



Sisismulan na ba niyang manligaw uli kay Sunshine ngayong magkasama na uli sila sa iisang programa?



"We will see. Bago pa lang ang show at sa Monday [October 29] pa lang ang pilot, ligawan agad ang tinatanong ninyo!" natatawa niyang sabi.

At this point, lumabas ng resto si Sunshine kasama si Lotlot de Leon. Walang nagsalita kina Sunshine at Polo, nakatingin lang ang aktor sa kanyang ex-girlfriend habang kausap ng PEP. Pero sinabi ni Polo na nagbatian naman daw sila ni Sunshine sa loob.



"Hindi ko alam" ang sagot ni Polo sa tanong kung aware ba siyang may boyfriend ngayon si Sunshine. Either in denial ito dahil alam nang may Jojo Manlongat ang aktres o talagang hindi niya alam na taken na ito sa ngayon.



SUNSHINE'S REACTION. After the presscon proper ay nakausap naman ng PEP si Sunshine at nagbigay rin siya ng pahayag sa lumalaking isyu sa pagitan nila ni Polo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi ko siya maintindihan, he knows me very well at matagal na kaming magkakilala at mag-ex pa. I appreciate it very much kung didiretso siya sa akin dahil buong mundo na ang nakakaalam, except me. Pag nagkikita kami, hi and hello lang kami, bakit hindi siya magsalita? It confuses me. Ako na lang ang hindi nakakaalam. He could at least talk to me personally," halatang may hinanakit na pahayag ni Sunshine.



Galit ba siya kay Polo kaya dine-deadma niya ito?



"Hindi ko siya dine-deadma," paglilinaw niya. "Kilala ako ni Polo at ‘pag ako nang-deadma, nakakatakot. Inuulit ko, hindi ako galit, confused lang."



Samantala, ayaw pa ring pag-usapan ni Sunshine si Jojo. Pero napag-alaman ng PEP na bago pumunta ang aktres sa presscon ng La Vendetta ay tumawag ang businessman para i-remind siya na agahan ang alis ng bahay dahil umuulan at ma-traffic.

"I hope you understand if I don't wanna talk about my personal life. Basta, I'm very, very happy with my life right now at pati sa career ko," pagtatapos ni Sunshine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN