Ai-Ai delas Alas reveals dream to sing Lea Salonga's hits in a concert


"Kakaririn ko talaga 'yan 'pag natuloy. Sana makapanood si Lea at angmommy niyang si Ligaya, na I'm very sure pamemeywangan ako habangpinaglalaruan ko ang mga kanta ng anak niya!" says Ai-Ai delas Alas about her dream of doing a tribute concert for Lea Salonga.



Nahingan ng kanyang panig si Ai-Ai delas Alas sa tampuhan na namagitan sa dating magkasintahan na sina Rufa Mae Quinto at Erik Santos nang magdaos ang huli ng kanyang concert sa Araneta Coliseum, kung saan isa sa special guests si Ai-Ai.



Nagulat na lang si Ai-Ai nang madawit siya sa usapan at makarating sa kanya na may sama ng loob si Rufa Mae. Kinausap daw agad ni Ai-Ai ang co-star niya sa pelikulang Pasukob, at inalam kung ano ba ang naging problema.



"Umiiyak sa akin si P-chi [palayaw ni Rufa Mae], nag-breakdown ang lola mo!" tili ni Ai-Ai nang harapin niya ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa nabanggit na isyu. "Hindi ko naman napansin noong time na 'yon na hindi siya ina-acknowledge ni Erik. Kasi parang okay lang, pine-playtime ko lang yung dalawa.



"Pero kinabukasan yata, nag-usap na rin sila. Nag-sorry si Erik kay P-chi. Pero sumama ang loob ng lola mo na talagang super-crayolo siya kay Ama [Boy Abunda, their common manager]. Nakakaloka!" tuluy-tuloy na sabi ng komedyana sa presscon ng Pasukob kahapon, October 24, sa Guilly's restaurant, Quezon City.



Sa nasabi ni Rufa Mae kanya, napag-isip-isip daw ni Ai-Ai na parang mahirap din para kay Erik yung sitwasyon.



"At that time kasi, ininitindi niya ang spiels. Naghahagilap siya ng sasabihin. Tensyonado siya sa concert, at mabuti na lang nairaos ni Erik," sabi ni Ai-Ai.



ROSANNA & SNOOKY. Since Pasukob ang title ng pelikula nila ni Rufa Mae sa OctoArts Films, tinanong si Ai-Ai kung sino kina Rosanna Roces at Snooky Serna, na nakasagutan niya sa mga isyu, ang tipong makikisukob siya sakaling makita niya ang dalawa sa labas habang umuulan at nakapayong ang mga ito.



"Bongga naman ang tanong na 'yan!" humagalpak ng tawa si Ai-Ai. "Wala siguro, kasi pareho ko naman silang hindi gusto. Pag-iisipan ko pa yung kay Osang, pero huwag na lang. Naku, bahala sila, at pababayaan ko na lang na mapulmonya ako! Magpapakabasa na lang ako kesa makisukob sa kanila!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Paano kung siya ang may payong at makita niya sina Osang at Snooky na nababasa? Sino ang pasusukubin niya?



"Naku, wala!" tili ng komedyana. "Bahala silang magkapulmonya...magka-tuberculosis pa sila, wala akong pakialam!"

Pero sa mas seryosong usapan, actually ay naaawa raw si Ai-Ai kay Snooky.



"Siguro lang, kailangan ng trabaho," sabi ni Ai-Ai. "Hindi ko lang talaga maisip kung bakit ako ang napagdiskitahan niya. At isipin ko man siguro na bigyan siya ng trabaho, ano ang mangyayari? Nakakatakot! Baka hindi niya siputin."



AI-AI'S CONCERT. This November 16, itatanghal sa Araneta Coliseum ang Greatest Performance of My Life concert ni Ai Ai. Kaugnay nito, naging isyu nga raw ang pagba-backout diumano ng international singer na si Beyonce Knowles, na magku-concert din dito sa Pilipinas, dahil nag-react daw sa isyu pati ang producer ng show ng nabanggit na foreign act.



"Patulan ba? Hello?" sabi na lang ni Ai-Ai. "Nagpe-playtime lang ako. Kasi alam mo sa last conversation namin ni Beyonce...conversation daw, o! Huwag ko raw sabayan ang concert niya. 'Please, no!' sabi pa niya.



"Sabi ko, 'Go ahead, make your day! You can have it ahead of mine. This is my country anyway!'" pagbibiro na naman ng nakakalokang si Ai-Ai.



Pero nabanggit din ni Ai-Ai na gusto niya ang konsepto ng isang producer na inialok sa kanya, tipong "Delas Alas Sings Salonga."



"Sosyal! Sing ako ng Broadway songs ni Lea, from Miss Saigon to Les Miserables! Gustung-gusto ko kasi ang mga kanta ni Lea," sabi ni Ai-Ai, kasunod ng pagkanta niya ng ilang mga awitin ni Lea habang ginagaya ang perfect diction ng international singer kapag kumakanta.

"Kakaririn ko talaga 'yan 'pag natuloy. Sana makapanood si Lea at ang mommy niyang si Ligaya, na I'm very sure pamemeywangan ako habang pinaglalaruan ko ang mga kanta ng anak niya!" at saka tumawa nang halos walang puknat si Ai-Ai sa kanyang mga pinagsasabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN