Jean Garcia on daughter Jenica: "She has to live with her own choices."


"I like Mart for my daughter, because he's sweet, and he's alsoopen sa akin, lalo sa nararamdaman niya sa anak ko, kaya kampante ako.He's willing to wait, and I can see that they're both enjoying eachother's company," says Jean Garcia about Mart Escudero (inset, bottom), who is reportedly courting her daughter Jenica Garcia (inset, top).



Mas malaking responsibilidad ang hinaharap ni Jean Garcia ngayon dahil pumasok na rin sa showbiz ang anak niyang si Jenica Garcia. Ibig sabihin, hindi lang ang sariling mga intriga ang kanyang haharapin. Posibleng pati ang darating sa buhay ni Jenica sa kanyang pag-aartista.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jean kaugnay ng topic na ito sa presscon ng La Vendetta noong Martes, October 23, sa Ilustrado restaurant sa Intramuros, Manila. Lalo't mainit na pinag-uusapan ang posibilidad ng early pregnancy dahil nagiging masyadong malapit na si Jenica sa ka-loveteam nitong si Mart Escudero.



"Alam ni Jenica ang pinagdaanan ko noong nag-uumpisa pa lang ako sa showbiz," pahayag pa ni Jean. "Lagi kong ipinapaliwanag sa kanya 'yan, and ever since, naging very honest ako sa kanya.



"'Yun lang ang gustong mangyari sa amin, na huwag siya dapat natatakot na ipagtapat ang lahat-lahat, kung may kakaharapin man siyang problema, o kung sila na nga ni Mart. Hindi naman ako tututol sa bagay na 'yan.



"Normal sa isang kabataang gaya ni Jenica na tumanggap ng manliligaw, at si Mart ay isa pa lang naman sa suitors niya. Yun ang sinasabi niya sa akin. Laging open ang communication lines sa amin ni Jenica, at kung sakali mang sila na, sana nga lang, ako ang isa sa unang makakaalam at hindi yung lalabas na lang sa press, di ba?" nakangiting pahayag ni Jean.

PROTECTIVE MOM. Katulad ng ibang ina, may tendency talagang maging protective si Jean sa kanyang anak.



"Higit kanino man, siyempre ako ang labis na masasaktan kung may mangyaring hindi maganda sa anak ko, lalo na kung mahaharap siya sa grabeng intriga. Marami na akong napagdaanan at hanggang ngayon, nagdaraan pa rin ako sa ganyan.



"Alam kong hinubog ko ang kaisipan ng anak ko sa pupuwedeng harapin niya sa showbiz. Tinuruan ko siyang makisama, yung mga obligasyon niya bilang artista, pagtrato sa kapwa-tao na hindi siya dapat namimili, ke maliit o malaking tao 'yan, dapat pantay-pantay ang pagtingin niya at may oras siya para pakinggan ang mga ito," lahad ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



LIKE MOTHER, LIKE DAUGHTER?
Naging kontrobersiyal ang pagbubuntis ni Jean kay Jenica 17 years ago. Ito ang laging kinukulit ng marami, na baka nga maulit kay Jenica ang nangyari noon sa ina niya at sa ama nitong si Jigo Garcia.



"Masasaktan ako, kasi ayokong makikitang umiiyak ang anak ko," sabi ni Jean. "Pero sa parteng 'yan, hindi ako ang tipong inang maghihigpit nang husto. Pinalaki ko naman siguro nang tama ang anak ko para hindi na magtago ng lihim sa akin. Pinaliliwanagan ko siya palagi tungkol sa ganyang mga bagay, kaya it's all up to her. I'm just here to guide her."



Confident si Jean na nang pasukin ng anak niya ang showbiz, nakahanda na ito.



"Pero hindi natin alam kung hanggang saan siya tatagal, o hanggang kailan," paliwanag niya. "Kung anuman ang maging decision niya, hindi niya ito matagalan, naririto lang din ako. Kami pa rin ng ama niya ang makakapitan niya kung sakaling hindi na niya ito kayanin."



So far, walang nakikitang problema si Jean, lalo kay Mart na botong-boto siya. Kung ito man ang mapili ni Jenica, okay rin lang daw sa kanya.



"Buhay niya 'yan, and she has to live with her own choices," banggit ng aktres. "She's already 17. Ayoko lang talagang magtatago pa siya ng mga bagay-bagay. Kung sakaling sila na nga, I have the right to know.



"Jenica has been very honest, lalo na yung tungkol sa kanila ni Mart. I like Mart as a person, and somebody who takes care of Jenica. Marespeto yung bata kaya walang problema sa akin. Maganda ang friendship na namamagitan sa kanila, and they are protecting each other.



"I like Mart for my daughter, because he's sweet, and he's also open sa akin, lalo sa nararamdaman niya sa anak ko, kaya kampante ako. He's willing to wait, and I can see that they're both enjoying each other's company," aniya pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



DOUBLE SUCCESS.
Parang gusto ngang maluha ni Jean sa kagalakan dahil kung kailan humahataw pa rin ang career niya bilang aktres—hayan at isa siya sa major characters ng suspense-drama telenovela na pinamagatang La Vendetta GMA-7—doon din pumi-pick up nang husto ang nag-uumpisang career ng anak.



"'Yung kita niya, sa kanya lahat 'yon. Pinababayaan lang niya akong magtago para sa future din niya. Pero kung kailangan niya ng pera, anytime, she can get. Kasi pinagtrabahuan niya 'yan.

"Minsan, sasabihin niya, 'Ma, may pera na ako, so I can share sa gastos sa bahay.' Or, 'This time, maggu-grocery ako, and I will use the money.' Kahit sinong ina, matutuwa kapag ganoon ka-responsible 'yung anak, 'di ba?" pagtatapos ni Jean.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN