Derek Ramsey ignores absurd "sex video" that's without his body tattoos


Derek Ramsey and girlfriend Angelica Panganiban are the latest victims of sex-video rumors. According to Derek, "When they told me about it [sex video], hindi na ako nagtanong kungsaan ko puwedeng makita, kung saan lumabas kasi hindi naman talaga kamini Angel ‘yon."



Hindi na bago sa showbiz ang pagkalat ng sex videos ng mga artista. Kung ang karamihan ay imbento lang ng mga nagpapakalat ng mga naturang sex videos dahil medyo kahawig ng mga artista ang nasa video, meron din namang totoo talaga, gaya ng kina Ethel Booba at ng dati nitong boyfriend na si Alex Crisano.

Pagkatapos kumpirmahin ng kampo ng Baywalk Bodies na totoo ang kumakalat na sex video ng isa sa mga miyembro ng grupo na si Palmolive Palma, kasama ang Pinoy Big Brother celebrity housemate na si Will Devaughn, isa pang sex video ng sikat na magkasintahan ang diumano'y kumakalat ngayon. Ito ay ang sex video diumano nina Derek Ramsey at Angelica Panganiban.

Iba't iba ang naging reaksiyon ng mga tao sa lumabas na balitang may sex video sina Derek at Angelica. May ilang naniniwala dahil pinagbasehan ang ibang kultura na kinalakihan ni Derek at ang pagiging daring at sexy ng image ni Angelica.

Pero mas marami ang hindi naniniwala dahil ayon sa mga nakapanood na ng naturang sex video, puro patagilid daw ang kuha sa lalake na nasa video, samantalang sa mas masusing pagtingin daw sa mukha ng babae ay makikitang hindi talaga ito si Angelica.



Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na ma-interview si Derek kagabi, October 25. Agad pinabulaanan ng hunky actor na sila ni Angelica ang nasa sex video. Ayon pa sa kanya, hindi raw niya pinag-aksyahan ng panahon na tingnan ang kumakalat na sex video sa mga cell phone.



"Oo, nakarating sa akin ‘yang balitang ‘yan," pagkumpirma ni Derek. "Pinagtawanan ko nga lang kasi alam ko na wala akong ginawang ganun. Wala akong intensiyong gumawa ng ganun at di ako ganung klase ng tao. Marami nang tao na nagkamali na gumawa ng mga video na ganyan at nakakaawa nga sila. So I think dapat matuto na tayo sa mga pagkakamali nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Ang dami kong tattoo sa katawan. May tattoo ako sa likod, may tattoo ako sa gilid... Malalaman nila kung ako ‘yon. When they told me about it [sex video], hindi na ako nagtanong kung saan ko puwedeng makita, kung saan lumabas kasi hindi naman talaga kami ni Angel ‘yon," diin niya.

Ayon pa kay Derek, hindi naging isyu sa kanila ni Angelica ang nasabing sex video. Pinagtawanan nga lang daw nila ito, taliwas sa lumabas na balita na umabot daw ito sa pag-aaway nila.



"Si Angel, hindi siya affected kasi alam naman niya ang totoo. May nagtanong nga sa akin kung pinag-awayan daw ba namin ito ni Angel. Sabi ko, hindi. Hindi naging isyu, kaya pinagtawanan lang namin. Ang nakakalungkot diyan pag lumabas yung ganyang mga balita, may mga tao pa rin na nag-iiisip na totoo ‘yan. Nakakasama ng loob," sabi ni Derek.

Kasama si Derek sa bagong pelikula nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, ang One More Chance ng Star Cinema. Bukod dito, kasali rin siya sa Metro Manila Film Festival entry na Sakal, Sakali, Saklolo na pinagbibidahan naman nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN