Beauty queen Carlene Aguilar comes home with Dennis Trillo's son


Former Bb. Pilipinas-World Carlene Aguilar returns to the Philippines after giving birth to her son with young actor Dennis Trillo. "Ayoko lang talaga magsalita. Gusto ko lang kasi ng privacy na ngayonay hindi ko makuha. Nagsalita na naman si Dennis, I think that's enoughna," Carlene replied when asked for a statement.



Lulan ng Philippine Airlines Flight 113, dumating ang dating beauty queen na si Carlene Aguilar bandang 4:50 ng madaling-araw kanina, October 26.

Kasama ni Carlene si Calex Andrea, ang anak nila ng young actor na si Dennis Trillo. Ilang ulit na kinarga ni Carlene ang sanggol paglabas nila ng airport.

Kung titingnang mabuti, may pagkakahawig si Calex sa kanyang ama. Maputi, bilugan ang pisngi, at makapal ang buhok ng baby.

Isinilang si Calex Andrea noong September 22 sa Los Angeles, California.

Hindi naman nakita ni anino ni Dennis para sunduin ang mag-ina.

Todo-iwas ang dating beauty queen sa mga media na nag-aabang sa labas ng arrival area ng Centennial Airport. Sa kaiiwas nito, halos mapaiyak siya dahil hindi niya makarga ang umiiyak na anak na noo'y nakasakay sa itinutulak niyang stroller.

Sa isang punto, nakiusap pa si Carlene sa kanyang ina na dalhin na lang si Calex sa kanilang sasakyan. Dito na-korner ng GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal) ang Binibining Pilipinas-World 2006.

"Ayoko lang talaga magsalita. Gusto ko lang kasi ng privacy na ngayon ay hindi ko makuha. Nagsalita na naman si Dennis, I think that's enough na," pahayag ni Carlene.

Kinumpirma rin ni Carlene na nag-uusap na raw sila ni Dennis para sa kanilang anak. Pero hindi nito sinagot ang mga tanong kung nagkabalikan na ba sila o kung may plano silang magpakasal.

"Nag-uusap na kami. Okay naman lahat, e. Ngayon, wala lang talaga kayong makukuha sa akin," pag-iwas ng beauty queen.

Ayon kay Carlene, kung dati raw ay nakuha nila ni Dennis na magsinungaling sa publiko tungkol sa totoong mga pangyayari ay dahil na rin ito sa kanilang pagnanais na maging pribado ang kanilang pinagdadaanan.

Samantala, kagabi (October 25) nang humarap si Dennis sa media para sa launching ng isang scent brand na kanyang ini-endorse, sinabi nitong excited siya na makita ang kanyang anak kay Carlene. Hindi raw niya sigurado kung masusundo niya ang mag-ina, pero magkikita naman daw sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre excited! First time kong makikita face-to-face yung baby ko. Masayang-masaya ako," maikling pahayag ni Dennis.

Sa ngayon ay inaabangan ng lahat ang unang pagkikita ni Dennis at ng kanyang anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN