Shaina Magdayao rates courting styles of John Prats and Rayver Cruz


Shaina Magdayao did not get her European trip for her 18th birthday since she will be shooting Lobo with Piolo Pascual and Angel Locsin in the next few weeks. But the young actress will leave for a weeklong vacation in Japan on November 6, her actual birthdate.


Sa November 6 pa ang 18th birthday ni Shaina Magdayao, pero binigyan na siya ng isang solo birthday presscon ng Star Magic. Thankful si Shaina nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa sumptuous lunch na ginanap last Friday, October 26, sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN.

Ano ang gift niya sa sarili niya? Tuloy ba ang kanyang dream European trip sa halip na grand debut?

"Hindi po, ayaw po akong paalisin ng ABS-CBN for three weeks kasi nagsimula na akong mag-taping ng fantaseryeng Lobo with Papa P [Piolo Pascual] and Angel Locsin," nakangiting pahayag ni Shaina. "Kaya po sa November 6 na rin ang flight namin for Japan, one week po lamang iyon, kasama ko si Daddy and my niece, Francesca, eldest daughter ni Ate Sheila at Kuya Federico Moreno.

"May business partner po kasi si Daddy na taga-roon sa Japan, partner niya sa business naming Photon Dome, isang wellness center diyan sa Timog, sa tabi ng branch namin ng Ystilo, na siya naming makakasama sa pamamasyal para po may marunong magsalita ng Nippongo. First time ko rin pong pupunta sa Tokyo, Nagoya, Tokyo Disneyland at gusto ko pong ma-experience sumakay sa bullet train."

SUITORS FROM SHOWBIZ. Hindi na iniwasan ni Shaina ang mga intriguing questions na noong una'y ayaw sanang itanong sa kanya dahil birthday nga niya. Isa na rito ang tungkol kay John Prats na sabi'y boyfriend niya, na humingi rin daw ng bakasyon kasabay ng pagbabakasyon niya sa Japan. Magkasama ba sila sa bansang ito?

"No, hindi po kami magkasama. Hindi ko po alam na magbabakasyon din siya. Kung totoo pong gagawin niya iyon, baka po harangin siya ng daddy ko sa airport pa lamang," natatawang sabi ni Shaina. "But I don't think na gagawin niya iyon. Nakakadalaw po naman siya sa bahay namin, kapag naroon ako, pero hindi po naman yata tama na gawin niya iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Inaamin ko pong dumadalaw siya sa bahay, pero hindi pa po kami. Noong una nga, akala ko friendly dalaw lang siya, dahil hindi raw siya marunong manligaw, may dala siyang Krispy Kreme, no bouquet of flowers, para lang pong nagpaparamdam. Pero later on, sinabi na niyang nanliligaw nga siya. Nasa kanya na po iyon kung gusto niyang masira ang friendship namin."

Paano si Rayver Cruz na sabi rin ay tina-try nang paghiwalayin ang love team nila? Na sila na raw ni John at si Rayver naman ay ipa-partner na kay Maja Salvador?

"Matagal na po kaming magkasama ni Rayver at sinabi po niya agad na manliligaw siya, dumadalaw po rin siya sa bahay, basta po pareho kaming walang trabaho at nasa bahay lang ako. Mas close na po si Rayver sa family ko, may mga times na rin pong inaabutan siya ng dinner sa bahay, ini-invite na namin siyang mag-dinner. Kung itinatambal man kami ni Rayver sa iba, sabi po naman ng management ay hindi pa rin mawawala ang loveteam namin."

Si John ba, nakapag-dinner na rin sa kanila? "Hindi po. May oras po ang dalaw ni John, hanggang two hours lang ang pinakamatagal at dumarating po siya after dinner. Pero hindi po naman siya laging nakakadalaw dahil lagi rin akong wala sa bahay."

Sa rate of 1-10, paano niya iri-rate sina Rayver at John? "Si Rayver po, dahil mas matagal na kaming magkasama at kilala ko na siya, 8.9 po, si John, 7."

May isa pang intriga na napapagalitan daw siya sa ASAP 07 dahil lagi siyang naka-flat shoes kapag sumasayaw, dahil daw mas mataas siya kay John.

"Hindi po. Ever since po, takot na ako talagang sumayaw na naka-high heels kasi po may pagka-clumsy ako, pero minsan, hindi pa rin maiwasan na kailangan ko talagang mag-heels. Natakot na po talaga ako nang minsang nadulas ako sa pagsayaw ko sa show kaya po bumili na ako ng boots na ginagamit ko sa pagsyaw. Saka kami naman po ni Rayver ang magka-partner sa dance numbers namin, hindi si John."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, ayaw muna talagang makipag-boyfriend ni Shaina. "True po na maraming nanliligaw sa akin, from showbiz at non-showbiz, kaya sabi ko po, collect muna ako nang collect, saka na ako mag-select. Ayaw ko pang mag-seryoso, ayaw ko pong masaktan."

Alam ba niyang before her Ate Vina turned 18 years old, may boyfriend na ito?

"Opo, alam kong na-in love na siya, kaya hayun, nasaktan siya agad. Ayaw ko pong mangyari iyon sa akin. Saka marami pa po akong dream na gustong matupad. At kailangang stable na rin ako kapag nakipagrelasyon ako. Gusto kong ituloy ang apartment business ko. Mayroon na po akong 18-door apartment sa may Visayas Avenue, Quezon City.

Actually po, 20 doors dapat iyon kaya lamang nasakop po ng church doon ang two doors, pero hinayaan ko na lang po, hindi ko rin pinabayaran, ayaw ko pong mabawasan ang mga blessings na dumarating sa akin, para naman sa church iyon. May tinitingnan na pong lote si Daddy, para mapatayuan ko ulit ng apartment, pero gusto ko rin munang makita para malaman ko kung marami bang tao at maganda ba ang lugar," pagwawakas ni Shaina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN