Jean Garcia believes daughter Jenica not yet ready to commit to Mart Escudero


Jean Garcia (in photo) has allowed her daughter Jenica to have a boyfriend but the latter has not yet committed to anyone in particular. The La Vendetta star also revealed that Jenica is being courted by suitors outside of showbiz.


Ayon mismo kay Jean Garcia, wala pang opisyal at pormal na relasyon ang anak niyang si Jenica Garcia at Mart Escudero, pero may unawaan ang mga ito.

"May understanding siguro sila na, you know, they appreciate each other, they're very grateful na siguro sa loveteam nila, maganda ang relasyon nilang dalawa. Siguro ‘yung understanding na swak sila, pero hindi...kumbaga hindi pa dumadating dun sa relasyon talaga na couple, na magboyfriend-girlfriend," paliwanag ni Jean.

May mutual understanding or MU na ba ang dalawa? "Hindi ko alam, tinawag ba nilang MU? Kasi ayokong manggaling na naman sa akin, e, baka sabihin na naman, 'putting words in my mouth,'" pag-iwas ng nanay ni Jenica.

"Kung understanding ‘yung sinabi nila, siguro pagkakaintindihan na okay siguro sila, nagkakasundo sila, and they enjoy each other, they're having fun."

We also learned from Jean, may ibang mga nanliligaw na hindi taga-showbiz kay Jenica. "May non-showbiz [suitors]. Meron...hindi ko masabi kung ano...kasi siyempre hindi ko naman puwedeng sabihin dahil siyempre magtatampo naman ‘yung anak ko kasi parang...kumbaga bonding naming mag-ina ‘yun eh. Pero merong mga nanliligaw sa kanya, meron talaga," diin ni Jean.

So hindi exclusive na sila lang ni Mart ang may understanding? "Puwede naman kasi siyang magkaroon ng suitors kasi hindi pa naman siya committed, di ba? Tsaka hindi naman playgirl ang anak ko, pero I guess nakikita ko naman sa kanya na parang gusto niya si Mart, ‘yun nga lang siguro hindi pa sila ready.

"Dun na lang siguro natin ilagay, kasi kung ready naman ‘yang mga ‘yan, I'm sure magsasabi sa akin ‘yang anak ko na, ‘I'm ready na, mom to commit, boyfriend ko na si Mart.' Magsasabi at magsasabi ‘yung bata.

"Hindi naman siya takot eh, kasi sinabi ko naman sa kanya na ‘Puwede kang mag-boyfriend' dahil anong dahilan para pigilan ko yung bata, ‘di ba? Kasi the more na pipigilan baka the more pang tatakas sa ‘yo, and ayokong ganun, kasi ako ganun eh.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi minsan takot ka sa parents mo, takot ka sa lola mo, so nakakagawa ka ng mga bagay na mali pala. E, eto barkada kami ng anak ko, kumbaga very open siya, very honest siya sa akin," pahayag ni Jean who plays Amanda Cardinale sa La Vendetta, ang suspenserye ng GMA-7 na magsisimula na sa October 29.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN