Lovi Poe sheds modesty for sexy image of fragrance line


Bagamat sinabi na ni Lovi Poe na ayaw niyang gumawa ng sexypictorials, willing naman siya magsuot ng daring clothes para sa kanyangfragrance line mula sa Aficionado.


Magpapa-sexy na ba si Lovi Poe? Noong i-launch kasi angmga bagong scents ng Aficionado last Thursday, October 25, sa Palacio deManila, walang takot na sumali si Lovi sa isang fashion show na suot ang isanghaltered bareback na may bulaklaking miniskirt. Kitang-kitang ang makinis nalikod ni Lovi, na siyang isa sa mga endorsers ng naturang perfume brand. Tuladnina Dennis Trillo, Erich Gonzales, at Jason Abalos na endorser din ngAficionado, mismong pangalan ni Lovi ang ginamit sa kanyang brand.


Matapos ang fashion show, nakorner ng PEP (Philippine Entertainment Portal) siLovi at tinanong kung ang kanyang kasuotan noong gabing ‘yun ay hudyat na ngkanyang pagkakaroon ng sexy image? Si Lovi kasi ay may image na konserbatibo athindi nagkaroon ng tatak-pasaway gaya ng ibang young stars. Hindi rin siya yungtipong nakikita sa mga gimikan kaya nga medyo na-shock din kami sa kanyangsobrang sexy na kasuotan.

Napangiti si Lovi at tumugon, "Ay hindi po, kung paano akonoon, ganoon pa rin ngayon, sa mga fashion shows lang po siguro, puwede akongmagpa-sexy, disente naman po ‘tong show ng Aficionado."


Nang ang manager niyang si Leo Dominguez naman ang aming tinanong, sinabinitong walang kinalaman sa ibang bagay ang sexy outfit ng kanyang alaga. Sabipa nito, kailangan lang daw kasing maging sexy ang dating ni Lovi dahil nga‘yun ang character ng mismong brand ng pabangong ini-endorso niya.


"Other than that, wala na, she will maintain her conservative image. Wala pongmagbabago kay Lovi. The dress you saw her wear was just a part of a show,nothing else," seryosong pahayag naman ni Leo.

Si Lovi Poe rin ang celebrity endorser ngOlive C, isang skin soap para sa mga teenager at produkto ng PsalmstreEnterprises owned and managed by Jimmy Acosta. Along wth Melanie Marquez,who endorses New Placenta, si Lovi ay ipinagmamalaki ng kumpanya dahil ngatamang-tama raw ito bilang image model nila. Isa pa, hindi raw mahirap kausapang kampo ni Lovi pagdating sa mga aktibidades ng kumpanya nila. "She is verycooperative, wala kaming nagiging problema sa kanyang availability," paniniyakpa ni Mr. Jimmy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN