Lotlot de Leon too busy with "La Vendetta" to visit Nora Aunor in U.S.


"Hindi naman sa nag-iiwasan kami or ayaw naming magkausap, nagkakataonlang na hindi talaga kami nag-aabot... It just so happens na kapag biglangtumawag si Mama, wala ako or nasa trabaho ako," says Lotlot de Leon about communication gap with her mother, Nora Aunor.



Panay ang tanong kay Lotlot de Leon kung kailan siya lilipad patungong United States para magkita at magkausap sila ng kanyang ina na si Nora Aunor. Pero ayon sa aktres, hindi pa niya matiyak kung kailan dahil parati raw nauunsiyami ang mga plano niyang pumunta ng Amerika.



"Sa totoo lang, ayoko na ngang pag-usapan ang pagpunta sa States kasi ilang beses na laging hindi natutuloy. Ayoko munang mag-expect kasi sunud-sunod ang naging trabaho ko ngayon.



"Tulad nga rito sa La Vendetta, panay ang taping namin ngayon. So, halos wala na nga akong time for my kids ngayon. So wala muna sa plano ko talaga ang pagpunta sa States," paliwanag ni Lotlot sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



Sa December ay baka matuloy raw ang pagpunta sa Amerika ng kapatid ni Lotlot na si Matet de Leon at ang pamilya nito. Natutuwa naman si Lotlot dahil kung matutuloy nga sina Matet, makikita na ng ina nila ang kanyang mga apo kay Matet.



"Hindi ko pa kasi alam ang mga plano nila Matet. Pero kung matutuloy nga sila, it's good kasi never pa nakikita ni Mama ang mga apo niya kay Matet. Sana nga matuloy sila. Makikibalita na lang ako sa kanila," nakangiting pahayag ni Lotlot.



Nabanggit din ni Lotlot na noong March pa raw sila huling nagkausap ng Mama Guy niya. Birthday raw niya noon kaya kahit saglit ay nagkausap sila.



"Gano'n na nga katagal since we last talked," saad niya. "Hindi naman sa nag-iiwasan kami or ayaw naming magkausap, nagkakataon lang na hindi talaga kami nag-aabot. Nakakausap naman niya si Ian [de Leon] at sina Kiko at Kenneth. It just so happens na kapag biglang tumawag si Mama, wala ako or nasa trabaho ako.



"Wala naman akong tampo... walang gano'n. One of these days ay magkakausap din kami ni Mama. Hindi ko lang alam kung kailan, pero I feel that it will happen soon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Samantala, ongoing na raw ang hearing para sa annulment case na nai-file ni Lotlot para mapawalang bisa ang kasal niya kay Ramon Christopher. Kaya ba wala siyang masabing lovelife niya dahil baka makaapekto ito sa annulment case?



"Uy wala namang ganon!" tawa niya. "Hindi ko naman puwedeng pag-usapan ‘yan because it's already in court. Kung wala akong lovelife, I think it's my choice naman. Like now, busy ako sa taping ng show at may ilang guestings din ako. I want to make use of my time wisely and productively.

"Ang magkaroon naman ng boyfriend ay hindi priority. Bubuhayin ko muna ang mga anak ko bago ako magkaroon ng lovelife," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN