Onemig Bondoc's four-month-old baby is now a Christian


Onemig Bondoc has decided to quit his showbiz career and concentrate on the family business.



Noong October 28, Linggo, ay pinabinyagan ng dating aktor na si Onemig Bondoc ang kanyang four-month-old baby girl na si Aramelle Junalle Cristine Bariou Bondoc sa Santuario de San Jose sa Greenhills. Ang ina ng anak ni Onemig ay isang napakaganda at well-educated half-French, half-Pinay na commercial model na si Valerie Bariou.



Magkahalong features ng mga magulang ang mapapansin na nakuha ni Aramelle and that makes her one of the prettiest babies in town. Simple at tahimik lang daw na naidaos ang christening ng baby, ayon sa kuwento ni Onemig sa PEP (Philippine Entertainment Portal).



Bagama't ilang taon din na masasabing naging aktibo si Onemig sa showbiz, wala ni isang ninong or ninang na showbiz personality sa list of sponsors ng baby ni Onemig. Most of Aramella's ninongs and ninangs are Onemig and his girlfriend's non-showbiz friends. Masasabing siguro ang pinaka-showbiz sa mga sponsors ay ang U.S.-based concert producer na si Al Chiu, though wala rin daw ito sa event dahil kasalukuyang nasa Amerika at naka-base roon.



Ang baby girl ni Onemig ay ipinanganak sa France. Since birth, two months din na nag-stay ang mag-anak sa France. Pero ayon kay Onemig, both he and the baby's mom decided to settle here in the Philippines since nandito nga naman sa bansa ang iba't ibang businesses na mina-manage naman ni Onemig.



Kahit sa France ipinanganak ang bata, dual ang citizenship nito as French and Filipino.



Both Onemig and Valerie are hands-on parents to their first child. In fact, kuwento rin ng mommy ni Onemig na si Ms. Milo Bondoc, sanay na nga raw ang anak sa pagpapalit ng diapers at pagtitimpla ng gatas ng anak at maging sa pagkarga sa baby.



PEP asked Onemig's mom kung kailan naman ang planong pagpapakasal ng mga magulang ni Aramelle. "Soon," ang sagot ni Ms. Bondoc dahil pinaplano na raw ang lahat nina Onemig at Valerie, though, definitely, hindi pa raw sa taong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sa ngayon, masasabing very busy nga raw si Onemig sa pagma-manage ng iba't ibang negosyo ng pamilya, and his own business too, kaya hindi nito naiisip ang magbalik-showbiz. Magkagayonman, never naman daw niyang sinasara ang pinto tuwing may nagtatanong kung magbabalik-showbiz pa ba siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN