Ruffa Gutierrez will miss "Kokey" but looks forward to doing drama


"Ang dream ko lang talaga, ang magpasaya ng tao at panoorin ako. So, ifever na they'll like my acting, thank you so much. I like beingacknowledged and recognized also, why not?" says Ruffa Gutierrez.



Next week ay matatapos na ang unang fantaserye ni Ruffa Gutierrez sa ABS-CBN, ang Kokey. Magsisimula sa November 12 ang ipapalit dito na Princess Sarah.

Hindi naman naitago ni Ruffa ang kalungkutan nang tanungin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pagtatapos ng Kokey.



"My God! Nalungkot ako siyempre dahil napamahal na sa akin lahat ng mga kasamahan ko, especially I made new friends like Direk Wenn Deramas. Pati yung mga salitang bakla natutunan ko rin, like ‘bonggang-bongga' and salitang ‘palaka' na nakalimutan ko when I was living in Istanbul. Parang nabuhay ulit sa aking vocabulary.

"So, mami-miss ko sila and gusto kong pasalamatan lahat ng viewers all over the world for making Kokey number one," bungad ni Ruffa.



Tiniyak ni Ruffa na may kapalit agad ang Kokey dahil may guaranteed contract siya with ABS-CBN. Pero ayaw muna niyang magsalita kung ano ang susunod niyang show sa Kapamilya network. Although, usap-usapan na makakasama niya si Sheryl Cruz sa Gumising Ka Maruja.



"Oo, but this is still ano pa... projects that are still pinag-uusapan. So, [hangga't] hindi pa sure, ayoko munang banggitin kasi baka maudlot. Makikipag-meeting pa ang Mommy [Annabelle Rama] ko with the management," sabi ni Ruffa.



BIRTHDAY WISH FOR MOM. Speaking of her Mom, nagdiwang ito ng kanyang kaarawan kahapon, October 29. Ano ang birthday wish ni Ruffa sa kanyang ina?



"Wish ko for my Mom sana ipagpatuloy niya ang kasipagan niya. Madagdagan pa ang mga talents niya. Pero ang wish ko sana mag-isip din siya na magkaroon ng holiday, mag-relax. Just to be away and spend time, you know, for herself and not just for her family. But she needs time for herself. Magpa-massage siya, magpa-ano siya... mag-yoga siya, mag-exercise, di ba? Because the older you get the more you can take care of your body. So, yun lang, time for herself," pahayag ni Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Samantala, lumipat na rin sa ABS-CBN ang ama ni Ruffa na si Eddie Gutierrez.



"Masaya ako dahil kami naman ng family ko, walang labanan ng mga network, e. Mahal naman namin lahat ng networks dahil sila ang nagbibigay sa amin ng trabaho. So, kalahati sa amin sa ABS, kahalahti nasa GMA, e, di masaya!" sabi ni Ruffa, na ang tinutukoy ay ang mga kapatid niyang kambal, sina Richard at Raymond Gutierrez na nasa GMA-7.



Kasama sa cast ng Princess Sarah si Eddie habang si Ruffa ay type namang mag-workshop.



"Wala lang," sabay buntung-hininga niya. "Gusto ko lang mahasa ang sarili ko sa drama. Ang promise kasi sa akin ng ABS-CBN, comedy and then light-drama, and then heavy drama. Para hindi naman agad-agad. Siyempre, like yung Kokey, yung first three days ko kinakabahan ako. Ngayon, sanay na sanay na akong mag-adlib and everything. So, sana maging sanay rin ako sa drama."



Dream ba niya na maging mahusay na aktres sa telebisyon?



"Hindi ko pa dream ‘yon," sagot niya. "Ang dream ko lang talaga, ang magpasaya ng tao at panoorin ako. So, if ever na they'll like my acting, thank you so much. I like being acknowledged and recognized also, why not?"



YILMAZ BEKTAS. Samantala, hindi pa rin okay ang ina ni Ruffa na si Annabelle at ang mister niya na si Yilmaz Bektas. Pero okey na ba sina Ruffa at Yilmaz?



"As of this moment? Well, okay naman kami as of this moment. We have an agreement for the kids. So, as of now, peaceful kami. Bati kami today," sabi niya.



Ongoing na ba ang annulment case nila ni Yilmaz?



"Walang annulment kasi inaayos pa ng mga lawyers. Hindi pa namin napapag-usapan ‘yun. We'll cross the bridge when we get there."

Aminado naman si Ruffa na mahal pa rin niya si Yilmaz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi na mawawala ‘yon, e. It's not the point kung mahal mo yung isang tao, e. It's the question, can you could still be with him in one room. Forever he will hold a special place in my heart because matagal kaming nagsama and siyempre he's the father of my kids."



Tiniyak naman ni Ruffa na wala pang ibang babae na ipinalit sa kanya si Yilmaz.



"Oo, at wala pa akong nababalitaan. At ayoko nang magtanong," natatawang pagtatapos ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN