Lucy Torres and Sunshine Cruz both deny rumored silent war


Lucy Torres-Gomez (left) and Sunshine Cruz (right) met at the birthday party of Annabelle Rama last Sunday, October 28. The two beautiful showbiz personalities were rumored to have a silent war because of their respective husbands, Richard Gomez and Cesar Montano. But Lucy and Sunshine both deny it.



Medyo nahuli kami ng dating sa exclusive birthday dinner ni Annabelle Rama na ginanap sa Thai at Silk restaurant sa Serendra Piazza, Fort Bonifacio, last Sunday, October 28.

Pero hindi pa kami nagtatagal sa party ay agad nang may nag-tip sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na may slight tension daw na nangyari before we arrived.

According to the PEP source ay na-miss namin ang "isnaban blues" between two of Tita Annabelle's celebrity guests. Halatang-halata raw ang pag-iiwasan that night nina Lucy Torres at Sunshine Cruz.

Kami na ang nag-one-plus-one kung ano ang puwedeng maging dahilan ng "friction" between the two ladies.

Since the national elections last May ay naiintriga na ang respective husbands nina Lucy at Sunshine na sina Richard Gomez at Cesar Montano. Matatandaang nagkaroon ng mainit na patutsadahan at palitan ng mga salita ang dalawang aktor who both ran for a senatorial position (unfortunately, both of them lost).

Apparently, up to now ay nananatiling unresolved ang whatever "gap" na namagitan sa dalawa. Add to this yung recent pronouncement (or dare?) ni Cesar na gusto niyang makalaban sa ring in his celebrity boxing TV show on ABS-CBN si Richard.

Goma is yet to accept Buboy's challenge or he might have heard about the dare but simple chose to ignore it.

PARTY SCENE. Sabi ng PEP source, pagdating pa lang ni Sunshine sa party ay halatang iniiwasan na nito si Lucy. Mas lalo raw itong nahalata when Sunshine went to the ladies' room na nadaanan daw nito ang grupo nina Lucy, pero hindi man lang ito bumati.

What happened was, si Lucy na mismo ang nag-effort na lapitan si Sunshine paglabas nito sa CR. Nagbeso-beso raw ang dalawa at nagtsikahan for a while.

When asked about her reaction sa nasabing eksena ay very casual lang ang beautiful wife ni Goma. Typical Lucy na ever pleasant and always in her "walang masamang tinapay" mode.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sunshine and I are okay," paglilinaw ni Lucy.

"Walang problema on our part, I don't know with Cesar," she said with a smile.

Hindi siya masyadong nag-elaborate about the issue between Richard and Cesar, but she mentioned na bilang mga asawa ay natural lang na umaasa silang mase-settle din kung anuman ang differences between the two men.

Hindi masabi ni Lucy kung kailan mangyayari ‘yon dahil sina Richard at Cesar daw ang magde-decide noon. Basta nilinaw niyang wala silang gap ni Sunshine at wala silang problema.

SUNSHINE'S REACTION. Medyo matagal-tagal after Ms. Lucy and manager Douglas Quijano left the party nang makuha namin ang reaksiyon ni Sunshine about what happened.

"Lucy and I are okay," mabilis na reaksiyon ni Sunshine. "She is a very nice person, wala akong masasabi sa kanya. Ever since, I like Lucy dahil napakabait niya."

Ipinaliwanag ni Sunshine sa PEP na last week ay nagkausap na sila ni Lucy nang tawagan siya nito sa celfone, so there is no reason at all para mag-isnaban sila o mag-iwasan.

"Nagkausap na kami ni Lucy tungkol sa isyu [between our husbands] at kung anuman yung napag-usapan namin, personal na ‘yon. Wala muna akong masasabi ngayon," ayon kay Sunshine.

She also said na proper timing lang din siguro ang kailangan para magkausap at magkaayos ang mga mister nila. Humirit pa siyang huwag silang intrigahing dalawa ni Lucy dahil hindi sila magkaaway o magkagalit.

"Okay kami ni Lucy. Kumaway ako sa kanya nung papunta ako sa CR. Hindi ko siya iniwasan! Bakit ko naman siya iiwasan? Walang ganun, ‘no!" bulalas pa ni Sunshine sa PEP.

Wala ang mister ni Sushine na si Buboy noong gabing ‘yon. Si Goma ay sumaglit daw sa party earlier but after having dinner ay hindi rin ito nagtagal dahil may iba pa siyang lakad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN