Twin brothers Richard and Raymond Gutierrez end their three-month rift


One of Annabelle Rama's birthday wishes was for her twins, Richard and Raymond Gutierrez, to kiss and make up. Unknown to many, the twin brothers had not been on speaking terms for three months.



Kung hindi pa sa birthday wish ng Mommy nilang si Annabelle Rama ay hindi malalaman ng publiko na magkagalit pala ang twin brothers na sina Richard at Raymond Gutierrez.



During her 55th birthday celebration last Sunday on national television's SOP ay bigla na lang ibinuking ni Tita Annabelle na magkaaway ang kambal, at ang birthday wish niya raw ay magbati na ang dalawa.



She even said na six months nang hindi nag-uusap ang magkapatid because of the said tampuhan. Agad namang naglapit sina Richard and Raymond, nagyakapan and just like that ay nagkaayos sila on the show.

Sa exclusive birthday dinner party ni Annabelle last Sunday, October 28, sa Thai at Silk resto in Serendra, ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Richard at inusisa namin sa kanya kung ano ang pinag-awayan nila ni Raymond.

"Wala, petty things lang na lumaki," matipid na sagot ng GMA-7 heartthrob.

Richard chose not to elaborate at dinadaan niya lang kami sa kanyang killer smile. Ang importante raw ay okay na silang magkapatid at tapos na ang tampuhan nila.

Nasabi namin kay Richard na ang galing nilang magdala ni Raymond dahil walang nakahalata na may gap sila. Even when they're together na nagho-host ng SOP ay walang nagbago sa pakikitungo nila sa isa't isa. ‘Yun pala ay ilang buwan na silang hindi nag-uusap.

Natawa lang si Richard at muling nag-flash ng kanyang pamatay na ngiti.

During their mom's party na nagbigay ng birthday messages ang family and friends ni Tita Annabelle ay nagawang isingit ni Raymond ang isang short clarification after giving his birthday wishes to their mom.

"Hindi po kami six months nag-away ni Richard, three months lang. At okay na kami ngayon," pagtutuwid ni Raymond sa microphone, for everyone to hear.

That night ay saksi ang PEP na everything's fine between the Gutierrez twins. Balik na ulit ang kanilang admirable closeness, as if nothing happened.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN