Martin Jickain reunites with daughter Marthena after three-month separation


Martin Jickain tearfully reunited with his daughter Marthenafor three hours last Sunday, October 28. The estranged husband of Aiko Melendez had not seen his child for three months. He also expressed his desire to spend time with Andrei, Aiko's son with Jomari Yllana.


Nakuha ni Martin Jickain noong Linggo (October28) ng hapon ang itinakda ng husgado na visitation rights sa kanyang anak na siMarthena.

Tatlong buwan ding hindi nagkita ang mag-ama.

Bandang 12:15 dumating ang kanyang unica hija,inihatid ito ng bodyguard at nanay ni Councilor Aiko Melendez sa tahanan ng mgaJickain sa White Plains, Quezon City.

Naluha si Martin dahil labis niya raw na-missang kanyang anak. "Akala ko nga hindi ako makikilala ng anak ko, tatlong buwanniya akong hindi nakita. Hindi pa siya naglalakad noon, pero ngayon lumalakadnang mag-isa. Buti na lang sumamasa akin agad," pahayag ni Martin.

Nasaksihan ng GMA News at PEP (PhilippineEntertainment Portal) ang closeness ng mag-ama. Kahit saan pumuntasi Martin, sunod naman si Marthena. Umiiyak pa ito kung hindi makita ang ama.

Walang sandaling hindi namin makitang akap-akap at hinahalikan ni Martin ang kanyang anak.

"Nagpapasalamat na rin kami sa judge at kay Aikodahil na-grant nila ang visitation rights ko. Kahit ilang oras lang isang linggo, puwede na rin basta makita ko langang anak ko," wika ni Martin.

Sabi naman ng mommy ni Martin na si CecilleTrono-Jickain,"Sana dumating ang araw na hindi lang tatlongoras sa isang linggo namin puwedeng makita ang apo ko. Sana kahit isang buongaraw. Pero hindi kami magko-kontes sahusgado. Ire-request lang namin kayAiko at sa korte kung papayag lang sila. Pero ngayon, ok na ito."

Kumpleto ang pamilya Jickain noong hapon naiyon. Pati mga pinsan at tiyuhin nila, nagsidatingan lahat para sa espesyal naokasyong 'yon. Naglagay pa nga ng maraming lobo na kulay pink si Martin sapaligid ng bahay.

"Nagpaluto pa ako ng nilaga at mashed potato.Paborito kasi ni Marthena yun. Yung bahay nilagyan ko ng maraming balloons parai-welcome siya at saka favorite niya rin ‘yun.

Nabanggit din ni Martin na miss na rin niya anganak ni Aiko kay Jomari Yllana na si Andrei. Napalapit na rin siya kay Martin sa panahong magkasama sila ni Aiko athindi na raw iba ang turing niya dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Who knows payagan din siya ni Aiko na makasamakay Marthena sa tuwing magkikita kami. Nami-miss ko na sobra si Andrei at alam ko nami-miss dinnaman ako nung bata," sabi ni Martin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN