Gladys Reyes to share "Moments" with moms everywhere


"Hindi lang naman mga celebrity moms ang focus namin kundi pati na ang ibang mothers diyan na mapipili ng show. Kaya para sa inyong mga ina ang show kong Moments. At para na rin sa buong pamilya kasi mage-enjoy sila sa nilalaman ng aming show," excited na kuwento ni Gladys Reyes tungkol sa bagong show niya.


Masayang-masaya si Gladys Reyes dahil natupad na ang kanyang matagal nang dream na magkaroon ng sariling talk show. Mapapanood tuwing Sabado, 6 to 7 pm, ang Moments sa Net 25 simula November 10.

Ayon kay Gladys ay para sa mga mommies ang kanyang talk show at ipapakita nila sa maraming paraan kung paano ang maging isang ina sa makabagong panahon.

"Naku moment ko na talaga ito!" sabay tawa pa ni Gladys. "Nagpapasalamat ako sa Net 25 at naisipan nila akong bigyan ng sarili kong talk show. Nagbunga na rin ang pagpi-pinch hit ko noon as host sa programang Moms sa QTV-11. Siguro natuwa sila sa pagiging madaldal ko, most especially when it comes sa pagiging isang ina."

Ayon pa kay Gladys, confident siya na magagampanan niya nang maayos ang kanyang hosting job dahil sa isa na rin siyang ina.

"One year old pa lang naman si Christophe pero marami na akong natutunan bilang isang ina. Kasi nakuha ko naman ‘yan mula sa sarili kong mother, sa mga tita ko, sa mga pinsan ko na mga ina na rin, sa mga kaibigan ko in and out of showbiz at sa mga fans ko na rin na mga ina.

"Kaya nakaka-relate talaga ako sa tema ng Moments. May reality segment kami rito na magpapakita ng buhay ng isang ordinaryong ina. Ano ba ang mga nangyayari at paano siya naiiba sa ibang mga nanay na tulad niya?" ang kuwento pa ng character actress.

Siksik daw sa mga segments ang kanyang one-hour show. Una rito ay ang segment na "24/7," kung saan isang celebrity mom ang kanyang ka-chikahan. Pangalawa ay ang "Momstyle," kung saan may isang ina na magse-share ng kanyang unique style in child-rearing. Pangatlo ay ang "Momstop," na magpapakita ng iba't ibang bonding activities between mothers and their children.

Pang-apat ay ang "Mom & Me," where a guest mom will surprise her kid by showing their special skills or talents. Panglima ay ang "Moms ABC," kung saan isang expert in child care (pediatrician or child psychologist) ang makakausap para alamin ang solusyon sa mga karaniwang problema ng isang ina. At pang-anim ay ang "Mom On-The-Go," kung saan si Gladys mismo ang magse-share ng kanyang mga household tips para makatipid sa budget at oras ang isang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga nang-iintriga na ngayon kay Gladys na parang katulad ng QTV-11 show na Moms ang kanyang show na Moments. Sabi naman ni Gladys ay may sarili nang audience ang Moms at magkaiba naman daw ang oras nila kaya hindi magkakasabay.

"Yun naman din ang pakiusap ko sa mga producers na huwag naman itapat sa show nila Manilyn [Reynes], Sherilyn [Reyes] at Ms. Lani [Mercado]. Kaya nga every Saturday lang kami. Mga kaibigan ko sila at mataas ang respeto ko sa kanila bilang mga TV hosts. Alam din naman nila na magkakaroon ako ng sarili kong talk show at happy sila for me."

Bukod nga sa Moments ay kasama rin si Gladys sa bagong Sine Novela ng GMA-7 na My Only Love. Gagampanan ni Gladys ang role bilang mapanglait na tiyahin ni Mark Herras.

"Pangalan ko sa My Only Love ay Perla Alibudbod. Wala sa original movie ang character ko. Dinagdag lang nila para mas dumami ang mga tauhan at may ibang istorya na iikutan aside sa love story na tema. Patawa rin ang role ko kaya abangan nila itong My Only Love.

"As usual kaiinisan na naman nila ako rito. Parang nabuhay ulit si Deborah ng Bakekang, pero mas matindi ang pagiging social climber ko rito!" sabay tawa ni Gladys.

At kahit sobrang busy na naman si Gladys, priority pa rin niya syempre ang pamilya. Nagpapasalamat si Gladys na mabait at sobrang understanding ng kanyang asawang si Christopher Roxas.

"Napaka-supportive ng asawa ko at walang insecurity sa katawan. Natutuwa nga siya kapag sunud-sunod ang projects ko. Abala naman si Christopher sa aming negosyo [KSA Magic Whitening Soap] at may mga guestings din naman siya sa kabilang channel.

"Parati ko namang priority ang pamilya ko. Kahit gaano ako ka-busy, kapag kailangan ako ng pamilya ko, nandoon ako. Nasa tamang time management lang ‘yan. Walang dapat na maisakripisyo, ‘di ba? I can work earnestly and be with my family as well," pagtatapos niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN