DOJ dismisses Liz Almoro's case against Willie Revillame


Wowowee host Willie Revillame evaded a third court case filed ever since he started hosting the noontime show. The third case was in connection with the Republic Act 9262 or "Anti-Violence against Women and their Children Act of 2004".


Vindicated and victorious ulit si Willie Revillame pagkatapos i-dismis ng Department of Justice (DOJ) ang criminal case laban sa kanya ng misis niyang si Liz Almoro. Abswelto si Willie sa kasong isinampa ni Liz kaugnay ng pananakit diumano ng TV host sa kanya at sa anak nilang si Juamee. Ang kaso ay kaugnay sa Republic Act 9262 or "Anti-Violence against Women and their Children Act of 2004."

Napag-alaman namin mula sa isang source na bago pa man tuluyang i-file ang case ni Liz sa DOJ ay humingi diumano ang misis ni Willie sa kanya ng P5 million para hindi na ituloy ang criminal case laban sa TV host.

Sinubukang tumawad diumano ni Willie ng P3 million bagamat alam niya na mahina ang laban ni Liz, kahit ituloy pa ang demanda laban sa kanya. Pinagbigyan na lamang ni Willie si Liz kaya siya tumawad. Pero mas matindi ang mga ebidensya ni Willie kesa sa nag-iisang witness ni Liz na si Maricel Laxa na iniharap niya sa korte.

Hindi pumayag si Liz kaya sinabihan ni Willie ang kanyang mga abugado na harapin na lang sa korte ang bintang ng kanyang ex-wife. At noong Biyernes naganap ang dismissal sa kaso ng DOJ. Ito ang pangatlong matitinding kasong kinaharap ni Willie simula nang maging host siya ng Wowowee.

Matatandaan na unang napawalang-bisa ang kasong sexual harassment na isinampa sa kanya ng dating Wowowee dancer, pati na ang reklamo ng entertainment editor na nagsampa ng parehong demanda kay Willie.

Ngayong taon din inilabas ng korte ang desisyon sa kaso laban kay Willie hinggil sa naganap na ULTRA stampede noong February 2006. Pinatunayan ng korte na walang kinalaman at hindi responsibilidad ni Willie ang naganap na trahedya.

Samantala, nauna nang naayos ni Willie ang civil case para sa annulment na isinampa rin ni Liz. Pumayag sina Willie at Liz, pati ang kanilang mga abugado na sina Raymund Fortun-Dexter Licuana and Katrina Legarda, respectively, na magkaroon ng amicable settlement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapalit ng kaso ang pagbibigay ni Willie ng bahay nila sa Ayala Hillside Estate sa kanyang ex-wife. Plus, ang hiningi ng kampo ni Liz na P200,000 a month na financial support kay Juamee. Hinihintay na lamang ni Willie ang written agreement mula sa mga abugado ni Liz regarding their amicable settlement, bagamat diumano ay nauna na at kasalukuyang tinatanggap na ng ex-wife niya ang monthly allowance ni Juamee at naibenta na rin ang bahay sa halagang P9 million.

Masaya si Willie sa naging desisyon ng DOJ. Nagpapasalamat siya sa lahat ng taong naniniwala at sumuporta sa kanya:

"Salamat! Hindi ko kayang lokohin ang Panginoon at ang mga taong nagmamahal sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN