Direk Joyce Bernal and Dingdong Dantes come to Marian Rivera's defense


Marian Rivera's director Joyce Bernal (left) and leading man Dingdong Dantes (right) defend her from intrigues.



Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng Marimar sa Stotsenberg Hotel sa Clark, Pampanga, last Thursday, November 1.

In between set-up ng eksena, nakausap namin si Direk Joyce Bernal dahil na-headline siya na sinabi raw niyang sanay na siya sa "topak" ng bida nilang si Marian Rivera.

"Totoong may sinabi ako noon pa na sanay na ako sa 'topak' ng mga artistang nakatrabaho ko, pero hindi ko sinabing si Marian ‘yon," paglilinaw ni Direk Joyce.

"Hindi ko kilala si Marian outside the taping of Marimar. Pero sa pagkakilala ko sa kanya sa simula pa lang ng audition para sa Marimar hanggang ngayon, walang nagbago sa kanya. Mabait, masayahin, makulit, at wala akong problema sa kanyang professionalism at kung paano siya mag-deliver ng lahat ng ipinagagawa ko sa kanya."

Dagdag pa niya, "Kung ‘topak' na nga yung alas-kuwatro ng umaga ay nagte-taping pa kami, kahit ako tinotopak na rin, lalo na kapag ang idinidirek ko ay ang tatlong aso dito sa soap. Si Fulgoso, mas madali siyang idirek. Pero si Fifi, lalo na yung isa pang aso na lalabas, si Chi-chi, ang hirap. Biro ko nga, sa Christmas party namin, kakainin na lang namin sila para wala nang problema sa pagdidirek sa kanila.

"Kung topak na nga yung kay Marian, hindi lang ganung topak ang naranasan ko sa ibang artistang nakasama ko, na kapag tinopak ay magpapa-pack-up pa ng shooting. Mas grabe ‘yon.

"Minsan nga," patuloy niya, "tapos na ng mga eksena niya si Dingdong [Dantes], pero hindi pa siya umuuwi. Nandoon siya sa set at natutulog, pabiro siyang ginising ni Marian at sinabing bakit daw natutulog na si Dong, kami nagtatrabaho pa. Hindi naman nagalit si Dong, gumising siya at sinamahan kami habang nagte-take pa si Yan-yan [Marian].

"Wala akong problema sa mga artista ko, very thankful ako sa kanilang lahat dahil very cooperative sila. Lalo na kapag alam na nilang umaga na, nagte-taping pa kami. Pero kailangan naming tapusin ang eksena dahil kailangan na ‘yon for airing the following day," mahabang pahayag ng lady director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Habang kausap ng PEP si Direk Joyce ay katabi niya si Dingdong na nagkukutkot ng butong-pakwan. Siya naman ang tinanong namin tungkol sa intriga kay Marian.

"I don't know, wala pa naman akong nakikitang pagbabago kay Marian simula nang makasama ko siya sa soap. Kaya sabi ko na nga lang sa kanya, huwag na lang niyang intindihin ang mga intriga, dahil lahat ng ikikilos at sasabihin niya ngayon, papansinin ng mga detractors niya," sabi ni Dingdong.

Back to Direk Joyce, tinanong namin siya kung kailan siya babalik sa ABS-CBN at sa Star Cinema.

"Hindi ko alam," sagot niya. "Tapos na ang hiningi kong leave sa kanila, pero hindi pa nila ako tinatawagan, saka wala pa rin naman silang offer sa akin. Kung sakali, gusto ko namang gawin, comedy.

"Hindi pa rin kami nagkakausap ni Tita Ethel [Ramos, her manager] dahil busy nga ako sa taping at pag-e-edit ng soap, kaya hindi ko alam kung may tawag na sila. E, ang Marimar, baka hanggang January 2008 pa kami magte-taping dahil aabot pa ito hanggang February 2008."

Biniro namin si Direk Joyce kung ano ang sinasabi ng friend niyang si Vhong Navarro na katapat ng Marimar ang kalahati ng timeslot ng Lastikman.

"Hindi rin naman kami masyadong nagkakasama ni Vhong ngayon dahil pareho kaming busy sa trabaho. Pero yung ilang beses na nagkasama kami, hindi namin pinag-uusapan ang mga shows namin," pagtatapos ni Direk Joyce.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN