Katrina Halili gets more blessings for playing Angelika in "Marimar"


"Angelika na ang tawag sa akin kahit saan ako magpunta, pati mga bata.Ang galing-galing ko raw. Alam kong may mga nagagalit sa akin, peropuro kuwento lang ang naririnig ko at pag kaharap ako, hindi silagalit," says Katrina Halili about her role in Marimar.



Nakita in action ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung gaano kasipag ang young sexy actress na si Katrina Halili.

Pagdating nito sa Stotsenberg Hotel sa Clark, Pampanga, noong Thursday ng hapon, November 1, agad nagpa-make-up si Katrina para makapagsimula agad ng taping ng Marimar. Sa sasakyan na siya kumain, kaya tubig na lang ang hiningi niya sa staff.



Sa liksi ni Katrina, hindi halatang pagod siya dahil 6:30 a.m. na natapos ang shooting niya ng "Engkanto" episode ng Shake, Rattle, & Roll 9, nasa Puerto Azul pa ang location. Umuwi lang ito para maligo, magbihis at kumuha ng gamit, at bumiyahe na sa Clark para mag-taping, na aabutin ng Friday morning (November 2).



Maayos ang schedule ni Katrina kaya kahit maraming trabaho, walang nasasagasaang schedule. Monday, Tuesday, at Thursday ang taping niya for Marimar; Wednesday ang shooting ng Shake, Rattle & Roll 9; Friday, Saturday, at Sunday, para sa iba niyang raket.



Natutuwa si Katrina dahil kahit kontrabida ang role niya sa Marimar, naaasar lang sa kanya ang viewers at wala pa talagang lumapit para sabihing galit sa kanya.



"Angelika na ang tawag sa akin kahit saan ako magpunta, pati mga bata. Ang galing-galing ko raw. Alam kong may mga nagagalit sa akin, pero puro kuwento lang ang naririnig ko at pag kaharap ako, hindi sila galit," lahad ni Katrina.



Okay lang daw kay Katrina kung may mga nagagalit na fans dahil marami rin namang magagandang kapalit na ibinigay ang Marimar sa kanya sa pagiging kontrabida niya.



"Nakatulong sa akin lahat ng soap na ginawa ko, pero mas malaki ang impact sa akin ng Marimar," sabi niya. "Mas marami ang nakakilala sa akin, pati nga mga bata. Dumami rin ang raket ko at pati corporate shows, naiimbita na ako, at mas dumami ang out-of-town shows ko."



Si Katrina ang mas madalas magpalit ng damit sa buong cast ng Marimar. Between 10 to 12 dresses ang nasusuot niya in one taping day. Pasalamat ito na nahanapan siya ng sponsor ng staff dahil kung hindi ay sa damit, sapatos, at accessories lang mapupunta ang talent fee niya rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

During the first few days of taping ng Marimar ay si Katrina raw ang bumibili ng mga isinusuot niya sa taping at madugo raw sa bulsa. Nanghihinayang nga lang siya ngayon dahil puro pahiram lang ang mga damit at hindi niya naiuuwi.



Nakita rin ng PEP nang magbeso-beso si Katrina at ang co-star niyang si Marian Rivera nang dumating ang huli, kaya hindi totoong hindi sila magkasundo. Itinanggi rin ni Katrina ang tsismis na galit siya kay Marian.



Samantala, abangan ang paglabas ng billboard ni Katrina ng Body by Belo kung saan very sexy ang kanyang picture. This Friday, November 9, ay naka-schedule din siyang mag-pictorial for FHM. Kasama niya sa cover si Cristine Reyes.



May ibinalita rin si Katrina na may pinaplano siyang "very big" na ayaw niyang sabihin kung ano. Kahit anong pamimilit ng PEP na humingi ng clue ay ayaw nitong magbigay, pero malabong birthday party niya dahil sa January pa ang kanyang kaarawan.



"Wait na lang kayo at malalaman ninyo kung ano ito. Soon, very soon ay malalaman ninyo!" pambibitin ni Katrina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN