Angel Locsin: suitors keep out; busy with new teleserye "Lobo"


"Gusto kong ituwid yung maling impression na para bang nagpapaligaw naako sa boys ng ABS-CBN. Paano ko pa maiisipan 'yan? Tuluy-tuloy angpagte-taping ko para sa team-up teleserye namin ni Piolo," explains Angel Locsin.



Nakatuon lang si Angel Locsin sa taping ng kauna-unahan niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Lobo, na tinatampukan nila ni Piolo Pascual. Kahit nga hinihintay pa ang pagbabalik ni Piolo mula sa commitments nito abroad, ratsada pa rin ang pagte-taping ng young actress.



Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Angel sa taping ng nabanggit na teleserye sa isang lumang bahay sa Sct. Fuentebella, Quezon City. Inalam namin sa young actress ang napapabalitang pagkakagulo sa kanya ng ABS-CBN male stars.



"Naku, huwag na 'yan!" tili ni Angel. "Gusto kong ituwid yung maling impression na para bang nagpapaligaw na ako sa boys ng ABS-CBN. Paano ko pa maiisipan 'yan? Tuluy-tuloy ang pagte-taping ko para sa team-up teleserye namin ni Piolo.



"These guys are just trying to be nice. Piolo is my leading man. Noon ko pa naman sinasabi, kahit noong nasa kabila pa ako, dream leading man para sa akin si Piolo.



"'Yung tungkol kay Luis Manzano, I can say that he's really a gentleman. Among the guys sa ABS-CBN, he's the first one to express na masaya siya sa aking pagiging Kapamilya. Isa siya sa nagbigay ng warm welcome sa akin, at naa-appreciate ko 'yon," nangingiting pahayag ni Angel.



Sinabi namin kay Angel ang aming obserbasyon na parang there's nothing new kay Luis. Parang hindi na special ang ibinibigay niyang atensiyon kay Angel dahil before her, nariyang bigyan din niya ng grabeng atensiyon sina Anne Curtis, Mariel Rodriguez, Toni Gonzaga, at iba pang nauna.



"There's nothing wrong with that," pagtatanggol ni Angel. "Ibig sabihin lang nun, lahat ng bagong Kapamilya, lalo na't babae, he makes them feel na welcome sila. Nami-misinterpret lang nila ang ginagawa ni Luis.



"Wala akong nakikitang pangit sa pakikipag-usap niya sa mga babae at pakikipag-close sa mga ito. Basta ako, naa-appreciate ko 'yon. Hindi porke okay si Luis sa akin ay nagpapaligaw na ako sa kanya," tahasang sabi pa ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ANGEL'S TACTICS. May paraan daw si Angel para hindi siya basta kulitin ng kung sinu-sinong pumuporma sa kanya.



"Parang ang yabang naman ng dating ko na lumalabas na nambabasted ako ng manliligaw. Hindi ako ganoon. Basta, may style ako," pauna ni Angel.

"Ayoko lang talagang magpaligaw. Kung mag-i-insist sila, lalo akong iiwas sa kanila. Pero kung hindi sila manliligaw sa akin, lalo akong magiging close sa kanila. Gusto ko lang na hindi nila ma-misinterpret yung pagiging sweet ko. Appreciative lang ako sa kabaitang ipinapakita sa akin, but that doesn't mean na nagpapaligaw ako," paglilinaw niya.



Definitely, hindi raw ganito si Luis. Nagiging close lang daw talaga sila. Nagkakilala na sila ng ina ng binata na si Vilma Santos noon pa mang gawin nila ang Mano Po 3.



"Very nice si Tita Vi," sabi ni Angel. "Napakabait niya sa lahat. I don't think put-on 'yon. Sila ni Ate Shawie [Sharon Cuneta] ang mga idol ko."



Marami na raw guys na naderetsa nitong si Angel, pero simple lang daw siya.



"Ayokong isipin na pambabasted 'yon dahil hindi naman ako basta nagpapaligaw," pahayag niya. "Pero may mga lalaki kasing presko ang dating. Ayoko talaga. Pinaparamdam ko agad na ayoko sa kanila.

"As much as possible, ayokong nambabastos dahil ayoko rin namang bastusin ako. Kaya lang, I won't allow naman myself na mabastos, so I step my foot forward para doon sa mga parang nang-aabuso na," sabi pa ni Angel.



FORMER HOME NETWORK. Samantala, sinabi rin ni Angel na marami rin siyang nami-miss sa dati niyang home network na GMA-7.



"Especially those na sinasabi nilang maliliit na manggagawa, pero hindi mabubuo ang production kung wala sila. Yung sa utility, taga-timpla ng kape, taga-buhat ng props hanggang sa big bosses, minsan naaalala ko talaga sila.



"But, you know, life has to go on. Sila rin naman, and I think back to normal din naman ang lahat. Isang araw, we will still cross paths, at masasabi kong tatanaw pa rin ako ng utang na loob sa kanila," pahayag ng dalaga bilang pangwakas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN