StarStruck grads Paulo Avelino and Jewel Mische have lost touch with each other


"Matagal na rin kaming walang communication... But I feel namanna nandoon pa rin ang friendship namin. Gusto ko lang iparating kayJewel na masaya ako parati for her," says Paulo Avelino (left) about former flame Jewel Mische (right).



Tila nawawalan na ng pag-asa ang StarStruck 4 Avenger na si Paulo Avelino na mabalik ang dati nilang pagtitinginan ng StarStruck 4 Ultimate Sweetheart na si Jewel Mische.



Inamin ni Paulo na nagkaroon sila ng communication gap ni Jewel kaya naputol ang kanilang pagiging close. Kung noon daw sa StarStruck ay inseparable sila, ngayon ay halos wala na silang komunikasyon.



"Busy na kasi si Jewel, e," sabi ni Paulo sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Hindi ba meron siyang show with Richard [Gutierrez]? Leading lady siya sa Kamandag. Natutuwa naman ako for her kasi she deserves all the break na dumarating sa kanya. Masaya ako dahil maganda ang career niya ngayon."



Ayon kay Paulo ay parang nahihiya na raw siyang makipag-communicate kay Jewel dahil ibang level na raw ang career ngayon ng young actress. Lalo pa ngayong na-partner si Jewel kay Richard Gutierrez, feeling ni Paulo ay hindi na siya papansinin ng dating ka-MU (mutual understanding) niya.



"Para kasing ang hirap na niya abutin, di ba? Kasi Richard Gutierrez na ang kasama niya. For sure, mali-link sila romantically because of the show. Gano'n naman, di ba? 'Tsaka hindi mahirap ma-in love kay Jewel. Malambing siya at napaka-thoughtful," pahayag ni Paulo.



Inalis na raw ni Paulo sa kanyang isip na tangkain pang ligawan ulit si Jewel. Tama na raw yung napapanood niya ito sa TV. Kung magkita man sila, nandoon pa rin naman daw ang pagkakaibigan nila.



"Matagal na rin kaming walang communication," sabi ng binata. "Matagal na rin yung last time na nag-text kami sa isa't isa. But I feel naman na nandoon pa rin ang friendship namin. Gusto ko lang iparating kay Jewel na masaya ako parati for her."



Mabuti na lang at busy na rin si Paulo dahil nakasama siya sa second season ng Boys Nxt Door at may recurring role siya sa Zaido: Pulis Pangkalawakan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Marami rin ang pumipilit kay Paulo na ituloy na niya ang pagpapa-sexy. Sa batch kasi nila sa StarStruck, isa siya sa may pinakamagandang katawan.



Kakayanin ba niya ang ginawa ng ibang StarStruck boys tulad nina Mike Tan, Dion Ignacio, at Kevin Santos na nagpaka-daring sa The Studs magazine calendar? Kaya ba niyang magpa-pictorial na suot ay manipis at skimpy underwear lang?



"Kaya ko naman ‘yon, e. Naka-kundisyon pa rin naman ang katawan ko," nakangiting sagot ni Paulo.

"Pero hindi pa puwede dahil may mga existing pa akong kontrata sa ilang commercials. Kapag natapos na, siguro puwede kong maging option 'yon. Para maiba lang. For now, concentrate muna ako sa boy-next-door image," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN